Pinoy Weekly

Pinoy at Tsino sa HK, nagkakaisa sa paghangad ng hustisya

Isang karagatan ng mga Pilipino ang nakiisa sa mga mamamayang Tsino ng Hong Kong sa Chater Road sa Hong Kong para sa pagdaos ng “People’s Vigil for Solidarity and Justice” para sa mga biktima ng hostage crisis noong Agosto 23 sa Manila.

Mahigit 10,000 Pinoy ang nakiisa sa vigil kung saan sila’y kumanta, nanalangin nag-alay ng kandila, bulaklak at mga mensahe para sa mga biktima. Marami rin sa mga lumahok sa martsa-protesta ng mga residente sa Hong Kong ang dumalo sa vigil at nagsalita hinggil sa trehedya.

“Iniaalay namin ngayon ang aming simpatiya sa mga biktima ng trahedya, at pinagmumuni-munian kung papaano at bakit nangyayari ito sa lipunang Pilipino, at para ipakita ang pakikiisa sa mga mamamayan ng Hong Kong sa panawagan para sa hustisya,” paliwanag ni Eman Villanueva ng Filipino Migrant Workers’ Union (FMWU), isa sa mga organizer ng vigil.

Sinabi rin ni Dolores Balladares, tagapangulo ng Unifil-HK, na sang-ayon sila sa sentimyento ng marami sa mga residente ng HK na responsable ang gobyernong Aquino, laluna ang Philippine National Police at mismong si Pang. Benigno “Noynoy” Aquino III, sa palpak na pakikipagnegosasyon sa hostage-taker na dumulo sa madugong kongklusyon.

“Hindi nakabatay at nakadirekta (ang PNP) sa pagrespeto sa mga karapatang pantao tulad ng karapatan sa buhay at due process, kaya ganun na lamang ang mga aksiyon nila nang walang konsiderasyon sa magigiging kahihinatnan. Kaya iyung operasyong dapat sumalba sa mga buhay ay dumulo sa pagpatay sa halos kalahati sa bilang ng mga hostage,” sabi ni Balladares.

Dalawang mambabatas gn Hong Kong, mga kinatawan ng mga grupong pangsimbahan, unyon ng mga manggagawa, estudyante at kababaihan sa HK ang dumalo sa pagtitipon.

Maliban sa FMWU, inorganisa rin ang pagtitipon ng United Filipinos in Hong Kong (Unifil-HK), Migrante-HK, Gabriela at Bagong Alyansang Makabayan sa HK, at mga grupong tulad ng Justice and Peace Commission of the HK Catholic Diocese (HKJP), HK Catholic Commission for Labour Affairs (HKCCLA), Hong Kong Christian Council (HKCC), Association for the Advancement of Feminism (AAF), Asia-Pacific Students and Youth Association (ASA) at World Student Christian Federation – Asia Pacific (WSCF-AP).

Hindi lamang mga residente ng Hong Kong, pati ang mga Pilipinong nagtatrabaho at naninirahan sa HK ay nagluksa sa naganap sa Manila noong Agosto 23. Kinondena rin nila ang umano'y palpak na negosasyon ng gobyernong Aquino sa hostage taker.

Hindi lamang mga residente ng Hong Kong, pati ang mga Pilipinong nagtatrabaho at naninirahan sa HK ay nagluksa sa naganap sa Manila noong Agosto 23. Kinondena rin nila ang umano'y palpak na negosasyon ng gobyernong Aquino sa hostage taker.

Nagsagawa ng misa alay sa mga biktima ang mga alagad ng simbahan sa Hong Kong.

Nagsagawa ng misa alay sa mga biktima ang mga alagad ng simbahan sa Hong Kong.

Pakikiramay ng mga manggagawang Pinoy sa HK.

Pakikiramay ng mga manggagawang Pinoy sa HK.

1 2

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=9095

Posted by on Aug 30 2010. Filed under Istorya ng Linggo, Lathalain. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes