Sugod mga Kapatid

Budget Cut Blues


Kapapasa lamang ng Kamara ang pambansang badyet para sa 2011. Tinuligsa ito ng mga progresibong mambabatas bilang minadali, at nagtataglay ng mga baluktot na mga prayoridad. Ang dahilan ni Noynoy? Ang nasabing pondo ay kinakailangan ilipat sa mga sektor at serbisyo na mas nangangailangan. Isang ehemplo na ginamit niya ay ang mga SUCs. Sa harap ng maraming batikos sa kanya dahil sa pagkaltas sa badyet ng Unibersidad ng Pilipinas, inihintulad niya ang mga SUCs bilang mga ‘lumalangoy’ at ang UP bilang ‘nakakalangoy’ at ang iba bilang ‘hindi nakakalangay’.

Kapapasa lamang ng Kamara ang pambansang badyet para sa 2011. Tinuligsa ito ng mga progresibong mambabatas bilang minadali, at nagtataglay ng mga baluktot na mga prayoridad. Ang dahilan ni Noynoy? Ang nasabing pondo ay kinakailangan ilipat sa mga sektor at serbisyo na mas nangangailangan. Isang ehemplo na ginamit niya ay ang mga SUCs. Sa harap ng maraming batikos sa kanya dahil sa pagkaltas sa badyet ng Unibersidad ng Pilipinas, inihintulad niya ang mga SUCs bilang mga ‘lumalangoy’ at ang UP bilang ‘nakakalangoy’ at ang iba bilang ‘hindi nakakalangay’.

Kaya, sino itong mga sinasabing ‘nakakalangoy’ na?

–          Pondo ng mga State Universities at Colleges (SUCs) mula P23.8 Bilyon papuntang P23.4-B. Mismong ang Palasyo ang nagsabi na maaaring pagtaas sa matrikula at iba pang bayarin ang kahantungan nito.

–          Subsidyo ng Dept. of Transportation and Communication (DOTC) sa MRT at LRT. Dagdag-tulak ito sa panukalang itaas ang pamasahe ng mga nasabing sistema ng transportasyon.

–          Pambili ng Nat’l Food Authority (NFA) ng bigas mula sa mga lokal na magsasaka. Binibili nila ang bigas sa presyong hindi ikalulugi ng mga magsasaka at ibebenta sa presyong relatibong abot-kaya sa mga mamimil.

–          Subsidyo ng mga pampublikong ospital at mga opsital na Government-Owned or Controlled Corporations (GOCCs). Magdudulot ito ng paglala ng mga serbisyo at pagtaas ng mga bayarin.

–          Kabuuang badyet ng Dept. of Health mula P398-B papuntang P361-B.

At sino naman itong mga ‘hindi makalangoy’ na kailangang paglaan ng dagdag pondo?

o   Pambayad sa utang ng gobyerno. Ang pinagsamang pambayad sa utang at prinsipal ay nasa P823-B.

o   Badyet ng militar na P104.7-B mula sa dating P96.2-B.

o   ‘Pork barrel’ ng mga kongresista na tinaas sa P24.8-B mula P10.9-B, kabilang ang higanteng P2-B na pork ni Gloria Arroyo.

o   ‘Dole-outs’, o pinabangong programa ng limos, ng gobyerno na itataas ng P29.2-B mula P10-B.

o   Pondo para isulong ang ‘PPPs’, o sa pagsasapribita ng mga serbisyong panlipunan, na nagkakahalagang P15-B.

Malaking kalokohan, hindi ba? Ang ‘salbabida’ na dapat para sa mga mahirap na tunay na hindi makalangody sa dagat ng kahirapan ay ibinato sa mga mayayaman at naghaharing seksyon ng ating lipunan. Para itong eksena sa pelikulang ‘Titanic’, kung saan ang mga pasaherong first-class ay pinasakay sa mga lifeboat habang ang mga ordinaryong pasahero ay nakakulong pa rin sa kanilang mga kwarto habang lumulubog ang barko.

Wala ng mas malaking dahilan para agaran at mapangahas na kumilos laban sa mga budget cut sa serbisyong panlipunan. Ipinasa na sa Kamara ang badyet. Ibig sabihin, pagsangayon nalang ng Senado at pagpirma ni Noynoy ang kailangan, maisasabatas na ito. At bilang inaako ni Aquino ang nasabing badyet ng buong-buo, hindi niya ito ibabasura.

Noong nakaraang semestre, ang mga malalaki at dramatikong protesta natin ay may inabot na isang antas ng tagumpay: napilitan ang gobyerno na harapin at sagutin tayo, at magsinungaling para mangatwiran. Hindi tulad ng maraming ibang isyu, hindi nagawa ng rehimeng Aquino na mabaon ito sa limot.

Kaya kung gusto nating maibasura ang budget cuts, kinakailangan nating aabutin ang pinaka-antas ng protesta na inabot natin nung nakaraang semestre…at higitan pa ito.