Huli na ang Lahat
Ikalawang taon na niya dapat sa kursong Physical Theraphy sa UP Manila. Pero sa kasalukuyan, estudyante siya ng Biology sa Far Eastern University. Aniya, ito lang ang paraan para panatiliin ang kanyang scholarship dahil sobrang hirap mamintina ang kanyang ‘average’ na grado sa sobrang ‘toxic’ sa UPM. Hindi naman niya kayang bayaran ang kabuuang matrikula sa UP.
Ikalawang taon na niya dapat sa kursong Physical Therapy sa UP Manila. Pero sa kasalukuyan, estudyante siya ng Biology sa Far Eastern University. Aniya, ito lang ang paraan para panatiliin ang kanyang scholarship dahil sobrang hirap mamintina ang kanyang ‘average’ na grado sa sobrang ‘toxic’ sa UPM. Hindi naman niya kayang bayaran ang kabuuang matrikula sa UP.
Siya naman ay nasa unang taon sa kursong Community Development sa UP Diliman. Hindi nalalayo ang katayuan ng aming mga pamilya sa lipunan: bagama’t kumportable, ‘panggitnang uri’ pa rin sila. Maaaring malugi sa isang pihit lamang ng pang-ekonomiyang krisis. Pero habang ako ay nagbabayad ng P300 kada yunit, nagbabayad siya ng tumataginting na P1500 kada yunit. Pero kung hindi katayuan sa lipunan ang malaking pagkakaiba naming, e ano? Taon ng pag-enroll sa pamantasan. Nauna ako ng limang taon sa kanya. Kung nahuli lang ako ng ilang taon sa pagkapanganak, ang laki rin siguro ng matrikulang binabayaran ko.
Balik sa UP Manila. Bilang na bilang ni Ces Santos, ang ikawalang-pangulo ng konseho ng mag-aaral dun, kung ilan ang “Bracket D” sa kanila. O sa medaling salita, ang mga pinalad na libre ang matrikula. Sa populasyon na mahigit apat na libo, 41 lang daw sila. Kung sasabihin natin na makatarungan ang sistema ng pag-klasipika sa mga estudyante batay sa kakayahan nilang magbayad ng matrikula, isa lang ang ibig sabihin nito: sarado na ang pintuan ng tinaguriang Pamantasan ng Bayan sa mga mahihirap.
Balik tayo kay Miss Physical Theraphy. Hindi man niya aminin harap-harapan, siguradong masakit ang desisyong lumipat ng paaralan. Ilang beses na kaya niyang inisip n asana nakialam siya bago nahuli ang lahat. Ilang beses na kaya niyang inisip na sana lumaban siya bago siya ang nadamay.
Naging aktitud na ng marami sa atin ang isiping “hindi pa naman ako apektado niyan”. Kapag namalayan natin na kailangan na palang makialam, kadalasan ay dahil sa personal ng karanasan. At kapag personal ang karanasan, kadalasan ay huli na ang lahat. Para lang yang bahay: alam mong nasusunog na yung buhay mo kapag nasusunog na siya.
Kaya ika nga pangkalahatang-kalihin ng Kabataan Party-list na si Vencer Crisostomo, “Para sa kinabukasan, para sa bayan. Kumilos na laban sa budget cut”.