Sugod mga Kapatid

Binibining Proletaryo


Hindi man ako nanood ng Binibining Pilipinas, para narin akong nanood dahil ang Facebook friends ko ay nagbibigay ng halos live na update sa mga nangyayari. At siyempre, marami ang natuwa sa pagkapanalo ni Shamcey Supsup, ang nagtapos ng summa cum laude sa Kolehiyo ng Arkitektura sa Unibersidad ng Pilipinas. Beauty AND brains, ang tawag nila.

Hindi man ako nanood ng Binibining Pilipinas, para na rin akong nanood dahil ang Facebook friends ko ay nagbibigay ng halos live na update sa mga nangyayari. At siyempre, marami ang natuwa sa pagkapanalo ni Shamcey Supsup, ang nagtapos ng summa cum laude sa Kolehiyo ng Arkitektura sa Unibersidad ng Pilipinas. Beauty AND brains, ang tawag nila.

Pero mas bilib ako kay Luz Felipe, ang sumagot sa tanong na “What would you tell PNoy thru a letter?” ng “He must listen to the people because government is the people and the people is the government“. Nung nabasa ko ‘yun, bigla akong napapalakpak nang mag-isa. Ayos. At ito pa ang matindi kay Ms. Felipe: minsan siyang nagtrabaho bilang tricycle driver sa probinsiya ng Bulacan.

Hindi ko alam kung ano ang kuwento sa likod ng naging trabaho niya, yung kanyang napaka-makabuluhang sagot, o yung koneksiyon ng dalawa. Pero malinaw na ang sagot niya ang isa sa mga pinaka-intelihente (kung hindi man ang PINAKA-intelihente) sa buong kompetisyon, bagay na sinasangayunan ng marami sa mga kakilala ko.

Kung mayroong ugnayan ang kanyang pagiging dating tsuper, at ang kanyang sagot, pinapatunayan nito ang sinasabi ng mga ilang siyentista ng agham panlipunan: na ang pinakamatalas at angkop na pagsusuri hinggil sa lipunan ay nagmumula sa mga taong pinakalubog sa mga kaganapan sa lipunan. Malinaw na dumanas sila ng kahirapan. Madalang tayong makakita ng tsuper ng tricycle na babae. Ibang klaseng kamulatan, at pagbasag sa social norms, ang ginawa niya. Hindi nakapagtataka tuloy ang underlying message ng kanyang sagot: hindi nakikinig si Noynoy sa mga mamamayan.

Higit pa rito, maaaring naranasan na ni Luz, bilang manggagawa, ang lakas na nakakamit sa sama-samang pagkilos. Maaaring dun niya hinugot ang sagot na the government is the people. Ang mga mamamayan ang may kapangyarihang magluklok ng gobyerno: sa halalan man o sa lansangan.

Di hamak na milya-milya ang layo ng kahusayan ng sagot niya sa linya ni Shamcey na “The standard of beauty is not definite. We define it”. Ideyalistang pananaw ito, at maaaring patutyada sa puna ng progresibong kababaihan sa mga ganitong kompetisyon bilang nagtataguyod ng kulturang patriyarkal.

Ito ang masasabi ko: sino na dito ang nakakita ng beauty pageant para sa mga matataba? O nakapokus sa katalinuhan at kaalaman? May pageant ba para sa mga may kapansanan? Siyempre wala. Kasi walang magiging sponsor niyang mga kompetisyon na yan dahil ang mga kapitalista, sinusuportahan nila ang nakagawian ng depenisyon ng ‘kagandahan’. Kahit nga ung mga ibang may progresibo kunong pananaw sa usapin na ito, may tinatawag silang ‘inner beauty’ na para bang first runner up sa tunay na kagandahan.

Hindi nakakagulat ang talas ng talinong nagmula sa karanasan ng manggagawa, kumpara sa talino ng nag-aral sa pamantasan. Ang nakakagulat ay kung saang bagay/kaganapan mo makikita ito!