Pinoy Weekly

Minimum na sahod, iginiit ng OFW atbp. migrante sa Hong Kong

Migrante ng iba't ibang lahi, kabilang ang mga Pilipino, nagprotesta sa Hong Kong noong Mayo Uno. (Contributed Photo)

Hong Kong–Kabilang ang mga Overseas Filipino Worker sa libu-libong mga migranteng manggagawa na nagdiwang ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa, sa pamamagitan ng pagdaos ng isang kilos-protesta para igiit ang pagsama sa kanila sa Statutory Minimum Wage Law ng nasabing bansa.

Sa kasalukuyan, hindi kasama sa binibigyan ng minimum na sahod ang mga foreign domestic worker (FDW) ng iba’t ibang lahi, kabilang ang mga Pilipino.

Sa isang pahayag, sinabi ng Asian Migrants Coordinating Body, “On this Labour Day, we demand relief from the hardships we face. We are workers and not slaves. We are workers and not merely disposable labour that could be disregarded. Domestic workers are workers whose work has built and continues to build Hong Kong. As concrete measures, the Hong Kong government must immediately raise the wage of FDWs, lift the ban against Nepali migrant workers and take more effective actions to curb the practices of recruitment agencies that put FDWs in debt bondage and extreme vulnerability.”

Umano’y simula noong wage cuts o pagkaltas sa sahod ng mga FDW noong 1999 at 2003, barya-barya na lamang ang natatamasa nilang mga dagdag-sahod

Inudyukan din ng mga migrante ang gobyerno ng Hong Kong na suportahan ang pagkakaroon ng isang kumbensiyon sa International Labour Organization na kinikilala ang domestic work bilang disenteng hanapbuhay para maprotektahan ang karapatan ng mga domestic worker, na kinabibilangan ng libu-libong Pilipino.

Lumahok sa nasabing kilos-protesta noong Mayo Uno ang Association of Sri Lankans in Hong Kong, Association of Indonesian Migrant Workers in Hong Kong, Far-East Overseas Nepalese Association – Hong Kong, Filipino Migrant Workers’ Union, Friends of Thai – Hong Kong, Overseas Nepali Workers’ Union, Thai Regional Alliance, at United Filipinos in Hong Kong.

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=13252

Posted by on May 2 2011. Filed under OFW. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes