PED XING

Bobong Panggulo


Mga tulang tutol sa budget cut sa serbisyong panlipunan, mula sa Kilometer 64.

Bobong Panggulo

Gem Karlos Aramil

Bobong panggulo, please.

Ika’y umalis.

Maraming Pilipino ang di makatiis,

dahil sa sobra mong pagmamalabis.

Bobong panggulo, please.

Ika’y umalis.

Inilaan mong budget sa edukasyon at kalusuga’y

gaya ng buhok mo, sobrang nipis.

Bobong panggulo, please.

Ika’y umalis.

Dapat sayo batuhin ng kamatis,

dahil ikaw ay utak ipis.

Bobong panggulo, please.

Ika’y umalis.

Hindi na kami naniniwala sa mga pangako mong panis.

Si Gem ay pinaganak at kasalukuyang nakatira sa Laguna. Isang simpleng tao na may simpleng pangarap: yun ay ang magkaroon ng pagkakapantay-pantay at mamatay nang lumalaban para sa bayan.


Lutang na Blackboard

Lenkurt Lopez

Lumutang ang isip;

nawala sa diskusyon;

napako ang mata;

nawindang sa opinyon;

napatda ang dila,

sa lutang na blackboard.

Kaakit-akit,

pero mahina ang pundasyon.

Paano mo ako gigisingin

sa tipid mong tagubilin?

Pagbato ng maliit na chalk

ay di aabot.

Bilis,

bago ang utak ko’y

tuluyang mabagot.

Umisip ka pa ng ibang paraan

para ang kwaderno ay di makalimutan.

Inalisan ng pambura

ang kaisa-isa kong sandata.

Natakot akong sumulat,

dahil wala nang tutuwid

sa di-plastardong pagkakalapat.

Magkaroon lang ako ng kahit konting lakas,

lalapitan ko

ang ginawa mong palabas.

Hihilalin ko pababa

ang lutang na blackboard

ng mga lutang mong pangako.

Dalawang kamay ang paghawak, at sayo’y ipupukol.

Ito ang magsisilbing panghasa

sa utak mong mapurol.

Si Lenkurt A. Lopez ay nagmula sa lalawigan ng Quezon. Huminto sa pag-aaral dahil sa kawalan ng pangtustos sa pangunahing pangangailangan. Kasalukuyang nagtatrabaho isang cellphone repair shop at tarpaulin printer. Miyembro ng Gamma Epsilon Fraternity. Mahilig gumuhit at gumawa ng sanaysay na makikita sa blog na www.sawndtsek.blogspot.com at www.likhangsiningnisylk.blogspot.com. Kasalukyan din siyang nangangalap ng mga tula sa Quezon Province para sa proyekto na chapbook ng Kilometer 64 sa rehiyong iyon, na balak ipublish sa darating na Disyembre, taong kasalukuyan.