PED XING

Mga Tula ng KM64 Ukol sa Irrigation Budget ng DA: P5.10 Lamang sa Bawat Ektarya

Hindi matanto ng mga kasapi ng Kilometer 64 Poetry Collective kung anong uri ng pag-iisip ang pinairal ng Department of Agrarian Reform sa kanilang paglalaan ng limang piso’t sampung sentimo sa bawat ektarya ng lupang pagtataniman ng mais. Ano nga kayang uri ng repormang agraryo ang nais ipalaganap ng D.A. sa ating bansa? May saysay nga kaya ang nilaang pondong ito ng D.A.? Pakinggan natin ang opinion ng mga suking makata mula sa KM64.

Limang Piso, Aanhin mo?

Kislap Alitaptap
21 Agosto 2011

Aanhin mo ang limang piso?|
Kung anim na piso ang coke sakto
At maliit na Tortillos cheese flavor
Sa tindahan ni Mang Ramil.

Aanhin mo ang limang piso?
Kung walong piso ang pinakamurang
Takal ng kanin, at kung, kinse ang
Pinaliit na piniritong leeg ng manok.

Aanhin mo ang limang piso?
Kung labindalawang piso ang piraso
Ng balot, maliit man o malaki,
Mabalahibo man o hindi, ang nalutong sisiw.

Aanhin mo ang limang piso?
Kung walong piso rin ang bote ng Yakult,
At sampung piso ang Putok sa panaderya,
At anim na piso ang baso ng samalamig sa plaza.

Sa limang piso,
Hindi ka makakapanood ng sine na 3D,
Hindi ka makakapasok ng Taxi,
Hindi ka makakaiskor ng Pepsi,
Hindi ka makakasabit sa MRT
At ‘di ka rin papansinin ni Jollibee.

Walang limang pisong unlitext,
Walang limang pisong condom sa botika,
Walang limang pisong doughnut sa krispy kreme,
At walang limang pisong gamot sa Dengue.

Walang bigat at kalansing
Ang limang pisong,
Ipinanggising ng estado,
sa bawat ektaryang taniman ng mais.

Hindi mapapatatag ng limang piso
Ang nangalay na lakas sa braso.
Ngunit, mapapatalim nito
Ang napudpod na araro.

Ang matalim na araro ng pagkatao.
Ararong susuyod sa bulubunduking bato,
Ararong lalaslas sa sintido ng delubyo,
Ararong magpapatotoo,
Sa inaaning prestihiyo
Ng Rebolusyong Agraryo

Si Kislap Alitaptap ay unang naging kasapi ng Alpha Sigma Fraternity, dun rin unang namulat, hanggang sa maging kasapi ng ANAKBAYAN. Taong 2009 ay sumali siya sa Gawad Palanca, hindi nanalo. Maliban sa hilig sa pagsusulat ng tula at kuwento, mahilig din siyang magbasa, at mahilig ding makinig.

Gimmepayb

MJ Rafal

kung bibigyan sila ng pagkakataon,
tutal at nakahasa naman
nang pagkatalim-talim
ang kanilang mga karit-panggapas,
nahihinuha kong hindi kawayan
ang kanilang titiyagaing imbakan
ng mga barya-baryang tila mumong
kanin na sa kanila’y pinasusubo
nahihinuha kong sa bungo
ng mga asyendero’t hunyango
hahalik ang mga karit
isang malaking hiwa
na tatambakan nila
ng limampisong barya.

Si M.J. Rafal ay mahilig tumula. Paborito niya ang linyang “Poetry, like bread, is for everyone.” ni Roque Dalton. Ilan sa mga idolo niya sa pagtula ay sina Stum Casia, Kislap Alitaptap, Pia Montalban at si Alexander Martin Remollino. Mahilig din siyang magbasa at maglakad.

“It is the farmers, without any meaningful support from the government, who principally worked for a bountiful harvest. Even the so-called budget for irrigation cannot be claimed as government support because we’re the ones paying the exorbitant irrigation fees. Now, because the government is giving measly funds for the national rice and corn program, we seriously doubt that high harvest yields can continue.” – KMP

–mula sa Bulatlat.com, KMP insulted by government’s measly budget for farmers: P5 support per hectare of corn

Singko

Pia Montalban

Singko pesos ang coke sakto
Ngunit natanong mo na ba magkano
Sahod ng mga manggagawang
Nagsasabote nito bago maging tindang
Kalakal ni Aleng Mameng sa kanto?
Singko pesos ang kailangang ihulog
Sa slot ng mga cellphone charging machine
Ngunit natanong mo na ba magkano
Nabiyayaan mekanikong Pilipino
Nang matuklasang imbensyong ito?
Singko din ang markang kinatatakutan
Ng mga estudyanteng nagsikap mag-aral
Ngunit kinapos pa ding makasabit
Sa mga istandard ng kursong pinasukan
Singko ang delubyo sa mga nagkokolehiyo.
Ngunit sa maraming Singko ng mundo
Iisa ang nagtatali sa mga ito,
May kakapusan sa bawat Singko
Gaya ng wala nang pamasaheng singko
Kahit isang takal ng kanin sa kantina
Ay di na tig-sisingko pesos.
Kahit noodles na pambansang
Pantawid gutom ay di na tig-sisingko
Sinong mabubusog sa singko pesos
Na pandesal, dadalawang pirasong
Nilamas na arinang tinipid ni Mang Karyo
Ay, ang singko
Sumasapat lamang
Kung gagawing grado
Nitong pangulong
Gago
Nag-aakalang
Aani ng ilang sakong bunga
Singko pesos kada ektaryang
Insulto sa mga magsasaka.

Pia Montalban. Babae. Edad bente-otso. Romantic Heart Disease Survivor. Rice Terminator. Dating Model ng Rejoice, nasesante at nasampahan ng asunto sa nilikhang trapik sa EDSA. Hindi pa convicted yet on-bail, tambay sa Facebook at Multiply.

Lima

Aris Remollino

Ang limang pisong limos ng Department of Agrarian Reform
ay mas mabuti pa, marahil, na itapon na lamang
sa isang wishing well.
Baka sakali–
kung sapat ang pananalig sa mga pangarap–
ay tubuan pa ng masisiglang mais ang mga lupain.
Lima ang limos
kapalit ng nilimas
sa limampung bilyon.
Sa bawat magsasakang matutuyuan ng lupa,
may isang kasapi rin ng Kagawaran ng Repormang Agraryo
na maaaring magkamit ng malalawak na lupain.
Malalawak na lupaing
maaari sanang pagtaniman
ng mga nangangailangan pang
maghanap-buhay sa pagtatanim
at pag-ani ng itinanim.
Ngunit, kung iisipin,
hindi na rin katakataka ang ganitong uri ng kataksilan.
Hindi nga ba’t taksil din naman
ang nakaukit na tauhan
sa limang pisong inilalaan ng kagawaran?
Ilang milyong pag-asa ba ang naudlot
na dulot ng kataksilan ng isang Emilio Aguinaldo?
Ilang milyong pag-asang nagkadurog-durog
ang ipinaubaya na lamang sa mga banyagang kolonyal?
Kaya’t huwag na nating ikataka ang ilang milyong mais na mauudlot
na dulot ng kataksilan ng Emilio Aguinaldong limos;
huwag na rin nating ikatakang sa bawat isang milyong mais na magkalasug-lasog
may isang milyon ding katapat na banyagang mais na kolonyal.

Si Aris Remollino–kilala rin bilang Aircon ng Tinig.com–ay nagtapos ng kursong B.A Tambay sa Bahay: ang pinakaperpektong kurso para sa kasalukuyang henerasyon. Madalas siyang makikitang pinagmumumura ang lahat ng walang kuwentang palabas sa telebisyon. Paminsan-minsan ay makikita rin siya sa Alabang Festival Mall, kung saan siya’y namimili ng mga libro, CD ng PS2, mga VCD/DVD, anime, at naghahanap ng mga magagandang binibining mabibighani ng kanyang likas na kapogian.

-MJ Rafal

-Pia Montalban