Ang imahen ng Pilipinas sa pagnanakaw ng Salisi Gang sa Dutch hip hop group All Style Division


NARITO na naman ang masamang balita kaugnay sa pagnanakaw ng Salisi Gang sa Dutch hip hop group na All Style Division. Nakatakda noong Miyerkules noong isang linggo na magtanghal ang All Style Division sa SM Baliwag sa Bulacan. Karaniwang nasa lugar na nang pagtatanghal ang grupo nang mga alas kuwatro ng hapon dahil nakasaad sa […]

All Style Division
All Style Division
All Style Division

NARITO na naman ang masamang balita kaugnay sa pagnanakaw ng Salisi Gang sa Dutch hip hop group na All Style Division.

Nakatakda noong Miyerkules noong isang linggo na magtanghal ang All Style Division sa SM Baliwag sa Bulacan.

Karaniwang nasa lugar na nang pagtatanghal ang grupo nang mga alas kuwatro ng hapon dahil nakasaad sa aming kontrata sa SM Marketing sa Mall of Asia na alas singko ang siomula ng bawat pagtatanghal.

Pero pasado alas singko na’y wala pa ni anino ng All Style Division kaya naglaro na ang aming imahinasyon.

Na minsan bago ang simula ng mall tour ng mga mananayaw na ito mula sa The Netherlands ay nasabi ng tumatayo ngayong tagapamahala ng grupo at nagdala sa kanila sa Pilipinas na si Arleen Santiago-Smidstra na bakit pa niya nadala rito ang mga Dutch na ito.

Nasabi rin ni Santiago-Smidstra kay Marilag Bautista, ang tumatayong marketing person ng produksyon ng mall tour at kapatid ng premyadong manunulat na si Lualhati Bautista, na kung puwede lang ay itigil na ng ASD ang mall tour pagkatapos ng palabas nito sa SM Marikina City, ang kauna-unahang lugar ng pinagtanghalan.

***

Ito ay dahil wala ngang pumasok na pera mula sa mga sponsors kundi ex-deal, na ang ibig sabihin ay mga bagay lang o produkto o serbisyo na kapalit ang patalastas.

Nangungunsumi si Arleen dahil gumastos na siya ng P500,000.00 para sa tiket sa eroplano ng mga miyembro at alam niyang hindi na ito babalik sa kanya.

May iba pa siyang gastos pero napagkasunduan naman naming paninindigan na namin ito.

***

Ano kaya’t binuo at isinakatuparan ni Santiago-Smidstra ang kanyang mga balak?

Pero hindi naman pala kundi nanakawan siya at ang isang kasapi ng All Style Division sa Tropical Hut sa panulukan ng Scout Borromeo at Panay Avenue.

Ayon kay Arleen, pagkatapos mag-guest at sumayaw ng ASD sa “Showtime” kasama si Jhong Hilario ay pumunta sila at nag-order ng pagkain sa lugar pero bago ‘yon ay kumubra siya ng pera sa bangko malapit sa food chain.

Pero nasalisihan nga siya at si Noah Smidstra, ang kanyang anak na miyembro ng grupo.

Mga cell phone, pera, ATM at credit cards, video camera at iba pang mahahalagang bagay ang nakuha sa mag-ina kaya hindi sila nakasunod sa Baliwag dahil kailangang ipagbigay-alam nila ito sa pulisya.

***

Ayon kay Arleen, natigagal at nalungkot ang kanyang mga bisita sa karumal-dumal na insidente.

“What image can this give to the Philippines? Ang sama,” pahayag ni Arleen na kasal sa isang Dutch.

Ano nga naman ang sasabihin ng buong mundo sa Pilipinas?

Pero ito ay nagaganap din naman sa ibang nasyon kaya lang ay talagang talamak na sa ating bansa.

Kahirapan ang isa sa mga nagtutulak sa masasamang-loob na gumawa nang hindi tama.

Kaya kailangang makipagtulungan ang lahat ng sektor lalo  na ang mga may salapi na maging heneroso naman sa kanilang kapwang naghihikahos.