Viral rants


Rebyu ng videos vs. Filipinos at Filipinas

Rebyu ng videos vs. Filipinos at Filipinas

Madaling magalit kapag ang nandadaot sa mamamayan at bansa ay mga banyaga.  Nagalit ang syudad ng Manila nang sabihin ng artistang si Claire Danes na ang bansa ay isang “ghastly place” habang nagshu-shooting ito sa mental hospital na naglipana sa ipis at daga. Nagalit ang bansa kay Terry Hatcher sa Desperate Housewives nang sabihin niyang basta-basta ang medikal na edukasyon sa bansa.

Nagalit ang Filipino nang dautin ng Korean na artistang si Lee Da Hae ang punto ng pagsasalita ng ingles. Nagalit ang Filipino nang banggitin sa kanyang kolumn ni Chip Tsao na tayo ay isang “nation of servants.”  Nagalit ang Filipino nang pabirong banggitin ni Alec Baldwin na pwede siyang kumuha ng Filipina mail-order bride para magkaroon ng mas maraming anak.

Nagalit ang Filipino nang nagkamali ang referensya ng ng pambla-blackmail ng immigration officer sa aktor na si Taylor Kitsch sa palabas din ni Letterman.  Nagalit ang Filipino nang si Floyd Mayweather ay uminsulto kay Manny Pacquiao at sa bansa nito.  Bakit mo iinsultuhin ang “pambansang kamao”?  Iniisip ko, ano ba ang ikinagagalit ng mga tao?  Dahil ang pagbanggit ay sa paraan ng biro, kalahati ay nakakatawa, kalati ay totoo (kaya nga nakakatawa).

Ang pinakahuling naglitanya ng “20 reasons why I dislike the Philippines” ay si  Jimmy Sieczka para sa ChannelFix, at ayon sa internet, tatlong taon nang naninirahan sa Cebu at konektado sa International Academy of Film and Television sa Cebu.  Heto ang link sa kanyang video (na tinanggal na sa sariling upload sa Youtube).

Exaherado ang 20 dahilan pero bawat isa naman ay may katotohanan, kalabisan, kakulangan.  Provokatibo pero tila may batayan naman.  May batayan naman pero provokatibo.  May inaasahan bang mas may dekorum na paraan ng paglalahad ng kritisismo sa bansa?  May orientalismo bang ubod ang sinasaad?

Sa isa namang lumaganap sa internet, ayon daw sa popular na segment ni Letterman, narito ang “top ten reasons why there couldn’t be a Filipino American US President:”

“10. The White House is not big enough for in-laws and extended relatives.

9. There are not enough parking spaces at the White House for 2 Honda Civics, 2 Toyota Land Cruisers, 3 Toyota Corollas, a Mercedes Benz, a BMW, and an MPV (My Pinoy Van).

8. Dignitaries generally are intimidated by eating with their fingers at State dinners.

7. There are too many dining rooms in the White House—where will they put the picture of the Last Supper?

6. The White House walls are not big enough to hold a pair of giant wooden spoon and fork.

5. Secret Service staff won’t respond to “psst… psst” or “hoy hoy hoy!”

4. Secret Service staff will not be comfortable driving the presidential car with a Holy Rosary hanging on the rear view mirror, or the statue of the Santo Niño on the dashboard.

3. No budget allocation to purchase a karaoke music-machine for every room in the White House.

2. State dinners do not allow “Take Home”.

The top reason why there couldn’t be a Filipino-American US President is…

1. Air Force One does not allow overweight Balikbayan boxes!”

Sa pamamagitan ng viral rants, madaling maipalaganap ang hinanaing hinggil sa isang mamamayan at bansa. Madali rin itong mapulisya. May katotohanan kahit hindi exakto; may pagkaexakto dahil may katotohanan.

Kapag umanggas ng laban sa bansa, racist. At ang buong kasaysayan ng bansa ay hinihimok para ang tukoy na kaaway ay maging pambansang kaaway. Ang problema, hindi tulad kay Danes at ang nauna sa kanya, instantenyo ang pagkaalam ng inaping mamamayan at bansa dahil sa may viral na pruweba ng panlalait, pandudusta, at pang-aapi.

Na-ban pa si Danes sa syudad ng Manila, dineklarang persona non grata. Ang pagkakamali ng referensya ni Kitsch naman ay naalok pa siya ng libreng biyahe sa bansa para maiwasto raw ang impresyon. Bakit gumaan ang parusa sa kolektibong kaapihan ng mga racist?  At sa kaso ni Sieczka, mga diskusyon sa internet, pati na rin ang maraming nagsasaad ng “kapatawaran.”

Ang viral rant ay ampaw na pananalita sa internet. Walang laman dahil walang pwersa ng materialidad, lumalabas na imahinaryo lang ng walang magawa. Kaya roon nagsimula at nagtatapos. Para magkaroon ito ng politikal na pagtuligsa, kailangang ibuyanyang ito sa antas ng tunay (real):  ang sinasaad naman, at least ng video rant ni Sieczka, ay ang failure of governance. Estado ang accountable, at ang kulang sa rant ay ang pag-ugnay sa Philippines equals kanyang estado.

Kaya kung magre-rage against the dying of the light sa video, tiyakin namang masinop ang politikal na pagsusuring magtutukoy sa kultural na accountability. Na tayong mamamayan at bansa ay dinudusta at hindi umaalagwa sa nakakadaot na stereotipo dahil sa estadong nagsadlak sa ating kolektibong kapalaran.