Dokumento: SMDC ni Henry Sy, ‘partner’ ng lokal na gobyerno sa ‘development’ ng Silverio Compound


Sa kabila ng pagtanggi ng SM Development Corporation (SMDC) na may kinalaman sila sa planong development (i.e. pagpapatayo ng condominiums) sa Silverio Compound sa Sucat, Paranaque City, naglabas ang mga residente at tagasuporta nila ng isang photocopy ng dokumento ng lokal na pamahalaan ng Paranaque City. Ito umano ang magpapatunay na partner ng lokal na pamahalaan ng Paranaque at National Housing Authority ang SMDC sa pinaplanong diumano’y development sa lugar

Sa kabila ng pagtanggi ng SM Development Corporation (SMDC) na may kinalaman sila sa planong development (i.e. pagpapatayo ng condominiums) sa Silverio Compound sa Sucat, Paranaque City, naglabas ang mga residente at tagasuporta nila ng isang photocopy ng dokumento ng lokal na pamahalaan ng Paranaque City. Ito umano ang magpapatunay na partner ng lokal na pamahalaan ng Paranaque at National Housing Authority ang SMDC sa pinaplanong diumano’y development sa lugar.

“Makikita rin sa dokumento na ito na marami pang mga komunidad ang target na idemolis ng LGU Paranaque,” ayon sa Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay)-National Capital Region.