Pinoy Weekly

(Updated) Tulungan sa panahon ng pangangailangan: Mag-ambag, makiisa

Wala pa ring tigil ang ulan, hirap pa rin ang mga mamamayan ng Kamaynilaan at iba pang lugar sa Luzon at ibang bahagi ng Visayas. (Kuha ni Macky Macaspac)

Wala pa ring tigil ang ulan, hirap pa rin ang mga mamamayan ng Kamaynilaan at iba pang lugar sa Luzon at ibang bahagi ng Visayas. Larawan kuha sa Ortigas Extension, Cainta Rizal. (Kuha ni Macky Macaspac)

Aktres na si Monique Wilson, at kababaihan ng Gabriela, sa isang relief mission sa Brgy. Bagong Silangan, Commonwealth, Quezon City, isa sa pinakamalubhang binaha sa lungsod. (Kontribusyon)

Aktres na si Monique Wilson, at kababaihan ng Gabriela, sa isang relief mission sa Brgy. Bagong Silangan, Commonwealth, Quezon City, isa sa pinakamalubhang binaha sa lungsod. (Kontribusyon)

Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan, hanggang sa pagkakasulat nito (Agosto 8, 1PM). Dahil walang sapat na paghahanda, hirap ang limitadong bilang ng rescue units ng gobyerno na abutin ang lahat ng nangangailangan ng maraming nasalanta. Ayon sa mga ulat, 90 porsiyento pa rin ng Kamaynilaan ang lubog sa baha. Gayundin ang marami sa mga sentrong bayan sa Luzon at pati ilang bahagi ng Kabisayaan.

Samantala, sa kabila ng mga ulan, patuloy ang relief efforts ng iba’t ibang grupo, mula sa mga ahensiya ng gobyerno, hanggang TV networks hanggang non-government organizations at people’s organizations.

Kasama ni Wilson at ng Gabriela sina Angel Locsin at Phil Younghusband na namahagi ng kagyat na makakain at magagamit na relief goods sa ilang residente ng Bagong Silangan. (Kontribusyon)

Kasama ni Wilson at ng Gabriela sina Angel Locsin at Phil Younghusband na namahagi ng kagyat na makakain at magagamit na relief goods sa ilang residente ng Bagong Silangan. (Kontribusyon)

Binibigyang pokus ng Pinoy Weekly ang relief efforts ng ilang NGO at organisasyong masa. Masasabing tunay na “bayanihan” ang kanilang pagsasagawa ng relief efforts, dahil maralita ang mga miyembro ng mga organisasyong masa, na naglalayong tumulong sa kapwa nilang mga maralitang nasalanta. Limitado ang kakayahan dahil naghihirap din sila, pero buung-buo ang hangaring makatulong. Nananawagan ang Pinoy Weekly na suportahan natin sila.

Narito ang ilang relief efforts ng mga organisasyong masa. Maaaring madagdagan pa ito sa susunod na mga araw.

(Matrix mula kay Arnold Padilla ng Bayan at Bayanihan Alay sa Sambayanan (Balsa).

Hindi nakaligtas sa baha ang mga ospital tulad ng isang ospital sa Guiguinto, Bulacan. (Soliman A. Santos)

Hindi nakaligtas sa baha ang mga ospital tulad ng isang ospital sa Guiguinto, Bulacan. (Soliman A. Santos)

Dagdag na mga organisasyon

Citizens Disaster Response Center
72-A Times St., West Triangle Homes, Quezon City, Tel. No. 929-98-20/22  Contact Person: Carlos Padolina, Deputy Executive Director

Alliance of Concerned Teachers
Mines cor. Dipolog St., Barangay. VASRA, Quezon City or contact  ACT office at 4539116, 4262238, 09174998608 or 09198198903 for coordination purposes. Look for Zeni Lao or Kris Navales

Karapatan
National Office, Erythrina Building, #Maaralin cor. Matatag Streets, Central District, Quezon City.
Please contact anyone of the following –Tinay Palabay(0917-5003879), Lui Tumlos (0917-8299202), or Girlie Padilla (0908-8941870)

Kalikasan Party-list
26 Matulungin St. Bgy. Central, Quezon City (near Kalayaan Ave.)
contact # 920-9099 | 0927 702 8230

Task Force Children of the Storm
Children’s Rehabilitation Center/Salinlahi Alliance for Childrens Concerns
#90 J. Bugallon St., Brgy. Bagumbuhay, Project 4, QC.  Contact # (632) 913-9244 or (632) 439-1053  look for Sara Espineda

All UP Wokers Alliance Relief Operation Center
A. Roces cor. JP Rizal near Post Office, UP Diliman, Quezon City
Contact Person: Prof. Judy Taguiwalo

Drop off centers sa ibang rehiyon
Southern Tagalog
Pamantik-KMU  Block 1, Lot 8, Atis St. Milwood Subd. Brgy. Pulo, Cabuyao Laguna.  Hotline: 09183473149
Southern Tagalog Serve the People Corps:  contact ICA @ 09082197034 | 09058460174

Ilocos region                                                                                                                                                                                                                    IHRA-Karapatan/CRC-Ilocos office
#4 Rizal St. Brgy 3, Bantay, Ilocos Sur or call 077-722-7933
Contact Person: Roda Tajon

Northern Mindanao
Rural Missionaries of the Philippines Northern Mindanao sub region
Rm 01, Kalinaw Lanao Center for Interfaith Resources
0016 Bougainvilla Puti, Villaverde Iligan City; Tel: (63) 223 5179

Ilang larawan ng relief operations ng progresibong mga grupo:

Patuloy na sinisikap ng iba’t ibang progresibong grupo na mangalap ng donasyon para sa mga nasalanta ng malawakang pagbaha at direktang inihahatid ng mga boluntir ang tulong sa mga biktima. Kuha ang larawan sa Payatas, Quezon City habang ipinamamahagi ng Anakpawis Party-list ang relief goods. (Kontribusyon)

Drop off center ng Task Force Obrero.

House to house ng Task Force Obrero para mangalap ng donasyon.

Naghanda din ng rubber boat ang Sagip Migrante para sa paghatid ng kanilang tulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Naging aktibong ang militanteng mga organisasyon ng kabataan para mangalap ng pagkain at iba pang relief goods para sa mga sinalanta ng baha. (Pher Pasion)

Naging aktibong ang militanteng mga organisasyon ng kabataan para mangalap ng pagkain at iba pang relief goods para sa mga sinalanta ng baha. (Pher Pasion)

Tinaguriang "Tulong Kabataan," pinalahok ng mga grupong kabataan ang iba't ibang pamantasan at konseho ng mga estudyante. (Pher Pasion)

Tinaguriang “Tulong Kabataan,” pinalahok ng mga grupong kabataan ang iba’t ibang pamantasan at konseho ng mga estudyante. (Pher Pasion)

Hinihiling ng Tulong Kabataan ang mga donasyong pagkain tulad ng delata na madaling makain ng evacuee at hindi na kinakailangang lutuin. (Pher Pasion)

Hinihiling ng Tulong Kabataan ang mga donasyong pagkain tulad ng delata na madaling makain ng evacuee at hindi na kinakailangang lutuin. (Pher Pasion)

Organisadong nakapila ang mga taga Sityo Olandes, Brgy. Industrial Valley Complex, Marikina para makakuha ng relief goods mula sa Task Force Children of the Storm. Sa pakikipagtulungan ng Kaibigan Ermita Outreach Foundation, pinangunahan ng Children’s Rehabilitation Center (CRC) at iba pang organisasyong pambata ang pagkalap ng donasyon para sa mga nasalanta ng habagat. (Macky Macaspac)

Pinakain din ng Task Force ng lugaw, itlog at tinapay ang mga bata. (Macky Macaspac)

email

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=20946

avatar Posted by on Aug 8 2012. Filed under Features, Pambansang Isyu. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

1 Comment for “(Updated) Tulungan sa panahon ng pangangailangan: Mag-ambag, makiisa”

Leave a Reply

Multimedia

Pinoy Print Issues

Eskinita: Ang Alternatibong Ruta

Log in | Designed by Gabfire themes