Pambansang Isyu

Larawan | Panalangin kontra sa pork barrel


Sa pangunguna ng  Church People’s Alliance Against Pork Barrel, nanalangin ang mga alagad ng simbahan mula sa iba’t ibang relihiyon sa haparan ng Simbahan ng Quiapo nitong Hunyo 25, Miyerkules. Ipinanawagan nila ang tuluyang pagbasura sa pork barrel at ilaan na lamang ito sa serbisyong panlipunan, lalo na na ang Disbursement Acceleration Program ni Pangulong […]

Macky Macaspac
Macky Macaspac

Sa pangunguna ng  Church People’s Alliance Against Pork Barrel, nanalangin ang mga alagad ng simbahan mula sa iba’t ibang relihiyon sa haparan ng Simbahan ng Quiapo nitong Hunyo 25, Miyerkules.

Ipinanawagan nila ang tuluyang pagbasura sa pork barrel at ilaan na lamang ito sa serbisyong panlipunan, lalo na na ang Disbursement Acceleration Program ni Pangulong Aquino na anila’y higit na mas malaki kaysa sa nakukuhang pork barrel ng mga kongresista at senador.  

Dapat din na panagutin ni Aquino ang lahat ng nasasangkot maging ang kanyang mga kaalyado, na ilang ulit nang dinepensahan ng pangulo.  Kasabay ng panalangin ang preparatory meeting para sa People’s Initiative sa Cebu na dinaluhan ng mga obispo ng Simbahang Katoliko at iba pang relihiyon at mga organisasyon.