Kabataan

Pista-protesta para sa wikang Pilipino, isinagawa sa Mendiola


Nagmartsa patungong paanan ng Malakanyang sa Mendiola sa Maynila ang mga propesor, mag-aaral, at iba pa sa ilalim ng Tanggol Wika, isang alyansa na tumututol na tanggalin ang Wikang Filipino sa kolehiyo. Tinawag nilang Pistang Protesta para sa Wika at Bayan ang nasabing pagkilos. Layon kasing gawin na lamang optional ang pagtuturo ng Wikang Filipino […]

Pagtatanggol ng mga kabataan sa Wikang Filipino sa Mendiola.Pher Pasion
Pagtatanggol ng mga kabataan sa Wikang Filipino sa Mendiola.<strong>Pher Pasion</strong>
Pagtatanggol ng kabataan sa Wikang Filipino sa Mendiola. Pher Pasion

Nagmartsa patungong paanan ng Malakanyang sa Mendiola sa Maynila ang mga propesor, mag-aaral, at iba pa sa ilalim ng Tanggol Wika, isang alyansa na tumututol na tanggalin ang Wikang Filipino sa kolehiyo.

Tinawag nilang Pistang Protesta para sa Wika at Bayan ang nasabing pagkilos.

Layon kasing gawin na lamang optional ang pagtuturo ng Wikang Filipino sa kolehiyo base sa inilabas na Memorandum No. 20 Series of 2013 ng Commission on Higher Education (CHED) pagdating ng 2016 o sa taon na buong maipapatupad ang K to 12 program.

“Nais namin sabihin sa gobyerno, panahon na na umaksyon dapat si (Noynoy) Aquino na pagkaroon ng Filipino sa tertiary level dahil ang CHED ay hindi umaaksyon sa aming kahilingan. Bilang chief executive, inaasahan na ang presidente ng Pilipinas ay makikinig sa panawagan na magkaroon ng asignaturang Filipino sa kolehiyo at maging wikang panturo ito sa lahat ng antas,” ayon kay David Michael San Juan, propesor mula De La Salle University at convener ng Tanggol Wika, sa panayam ng Pinoy Weekly.

Ayon kay San Juan, bahagi ng pagiging neokolonyal na katangian ng edukasyona ng layon ng pagtatanggal ng Wikang Filipino. Nakabalangkas pa rin umano ang edukasyon ng Pilipinas sa pangangailangan ng ibang bansa.

Paliwanag pa niya, maaaring mawalan ang libu-libong guro sa Filipino ng trabaho kung matuloy na matanggal ang Wikang Filipino sa kurikulum. Pero higit na mahalaga na apektuhan ang kultura mismo ng mga Pilipino, ang kanilang pagmamahal sa sariling identidad, ang kanilang pagiging makabayan, at pagkakaroon nila ng sariling wika.

Commission on Higher Education Memorandum no. 20, ipinababasura ng Tanggol Wika.<strong>Pher Pasion</strong>
Commission on Higher Education Memorandum no. 20, ipinababasura ng Tanggol Wika. Pher Pasion

“Ang Wikang Filipino kasi ang wika ng ordinaryong mga mamamayan. Ito ang kailangan para lahat tayo makipagtalastasan sa iba’t ibang larangan. Kapag ito ay nagamit na natin sa iba’t ibang larangan, senyales maaari na tayong umunlad hindi lamang sa edukasyon kundi maging sa ekonomiya. Dahil mabilis ang kaunlaran kapag nagkakaintindihan tayong lahat at gamit natin ang sarili nating wika,” ayon kay San Juan.

Naniniwala naman ang League of Filipino Students (LFS) na may kaugnayan ang programang K-to-12 ng administrasyong Aquino sa pagtatanggal ng Wikang Filipino. Sadya kasi umanong pinapatay ang pagiging makabayan ng mga Pilipino at ihanda sila sa pangangailangan ng “global market” para pagkunan ng murang lakas-paggawa.

Nanawagan ang LFS na dapat ibasura ang programang K to 12. Nagiging balakid lamang umano ang K to 12 para ilabas ang potensyal ng mga kabataan na paglingkuran ang sariling bayan.

“Lilikhain lamang nito (K-to-12) ang malakihang paglikha ng mga semi-skilled na manggagawa para maglingkod sa ibang bansa. Sa ilalim ng K-to-12, ang paghawak ng diploma ay tulad ng pagtatatak sa mga ito ng ‘ready for export,’” ani Charlotte Velasco, tagapagsalita ng LFS.