Pluma at Papel

Di Kayo Desaparecidos


Ngayong ipinagdiriwang ng maraming mamamayan ang nakaugaliang Kapaskuhan, lalo na ng iilang pinagpalang mga anak diumano ng mahabaging Diyos, hindi ko naiwasang salakayin ang gunita ng mga nawala na lamang at sukat at, lubhang nakalulungkot, ni hindi na nga matagpuan hanggang ngayon ni isang buto ng kanilang kalansay o ni isang hibla ng kanilang buhok. […]

Ngayong ipinagdiriwang ng maraming mamamayan ang nakaugaliang Kapaskuhan, lalo na ng iilang pinagpalang mga anak diumano ng mahabaging Diyos, hindi ko naiwasang salakayin ang gunita ng mga nawala na lamang at sukat at, lubhang nakalulungkot, ni hindi na nga matagpuan hanggang ngayon ni isang buto ng kanilang kalansay o ni isang hibla ng kanilang buhok. Naganap ang marami sa mga kasong ito sa madilim, marahas at malagim na rehimeng diktatoryal sa bansa at, di nga kasi, umiral pa rin ang kasumpa-sumpang mga paglabag sa mga karapatang pantao maging sa humaliling nakasusulukasok na mga rehimen. Paano kaya ang kanilang Pasko at ng kanilang nangungulilang mga pamilya?

Muli, ipinapaskel ko rito ang hamak naming obrang mataos na iniaalay sa kanila:

DI KAYO DESAPARECIDOS

di kayo desaparecidos
di kayo nawawala
kayong mga katawa’y nilapa
kayong kalamna’y ipinataba
sa damong ligaw at makahiya
di kayo nawawala
kayong isinimento sa dram
hinigop ng pusod ng karagatan
o binulok sa tagong bilangguan
kayong ulong putol malabolang sinikaran
pinagulong sa dibdib ng kagubatan
buto ng kamay ngayo’y tangay-tangay
ng asong galang nagkalkal
sa masukal na talahiban.

di kayo desaparecidos
di kayo nawawala
nagbagong-anyo lamang
sinalaulang katawang-lupa
sa makulimlim mang umaga
o humihilab na katanghalian
sa namamaalam mang araw
o gabi ng buwang malamlam
naroroon kayo
sa nag-usbong na hamog sa damuhan
sa kumakaway na mga uhay ng palay
sa himno ng ibon sa kaparangan
sa hagupit ng hangin
sa lumalangitngit na punong kawayan
sa tumakas na alipato
ng naglagablab na apoy sa karimlan.

di kayo desaparecidos
di kayo nawawala
naroroon kayo
sa uha ng lumayang sanggol
sa nagdugong puwerta ng ina
sa gumiting pawis sa noo’t mukha
ng inaliping manggagawa
sa halas sa binti’t alipunga sa paa
ng dinustang magsasaka
sa himutok ng mga dukha
sa bilangguan ng dalita
sa singasing ng hininga
ng bawat nakikibaka
para sa dangal at laya
luwalhati’t ligaya
ng bayang pinakasisinta!

di kayo desaparecidos
di kayo nawawala
tubig lamang kayong nilaklak
ng uhaw na bibig ng init
magiging itim kayong ulap ng langit
ulan kayong hahaginit
sa lupang tinigang ng dilim-sagimsim
binhi kayo ng pangarap
muli’t muling sisibol din
halaman kayong nanilaw
kinapon ng dahas at lagim
magluluntian din sa gabing madilim
oo, di kayo nawawala
di kayo desaparecidos
sapagkat ugat ninyo’y karugtong
ng aming mga ugat
sapagkat dugo ninyo’y dumadaloy
kumikiwal din
sa himaymay ng aming puso’t laman
sapagkat diwa ninyo’y nakikipaglakbay
sa mithiin naming ayaw humingalay.

oo, di kayo desaparecidos
di kayo nawawala
nagbanyuhay lamang ang katawang-lupa
paulit-ulit nga kayong mabubuhay
sa nag-aapoy naming puso’t isip
sa siil ng madamdamin ninyong halik
sa yakap ng inyong diwang katalik
di masasayang mga dasal-tagulaylay
ng lumuhang mga mahal sa buhay
kaaway man kayong itinuring
ng mga kampon ng dilim
sa utak namin kayo’y magluluningning
tatanglawan-iilawan
landas naming lalakbayin
upang tanikala ng pang-aalipin
marahas lagutin…baklasin!


DESAPARECIDOS YOU’RE NOT
(English version of DI KAYO DESAPARECIDOS)

desaparecidos you’re not
you did not vanish in thin air
you gobbled by the earth
you whose body butchered
the flesh sliced
to fertilize the wild grass
you are not lost
you cemented in a drum
masticated by the sea
or let to decompose
in some stinking obscure jail
you whose severed head
kicked like a ball
and rolled on the forest’s breast
you whose skeleton disjointed
and the dislocated finger bones
dangling in the mouth of a stray dog
scavenging in a shrubby hill.

desaparecidos you’re not
you did not vanish in thin air
your disgraced earthen body
just metamorphosed
in the greyish morning
or in the dying sun at dusk
or nights of the pallid moon
there you are…
there you are
in the dewdrops in every blade of grass
there you are
in the bloody baby’s cries
coming out from the mother’s womb
there you are
in the springing sweat
on the face and forehead
of a toiling-enslaved worker
in the fungi-infested feet and legs
of a tired emaciated farmer
in the lamentations of the poor
in the fortress of misery
in the hissing of breath
of everyone bravely fighting
for the honor and freedom
for the glory and joy
of our beloved land.

desaparecidos you’re not
you did not vanish in thin air
you’re just water gulped
by the thirsty heat’s mouth
you’ll soon be dark clouds
on the horizon of discontent
then you’ll be arrows
of incessant rain
piercing the land made barren
by darkness and fear
you are seeds of undying hope
will sprout again and again
you are yellowish plants
mowed by cruelty and force
soon will be verdant
under the glaring sun
yes, you are not lost
desaparecidos you’re not
your veins and ours
are still conjoined
your blood flowing
in the sinews of our flesh and heart
your dreams
are one with our unceasing desire.

yes, desaparecidos you’re not
you did not vanish in thin air
your earthen body just metamorphosed
you will live forevermore
in our flaming heart and mind
in the ardent kiss and tight embrace
of your persistent memories
the prayer-lamentation
of your teary-eyed loved ones
will not go to waste
though enemies you were
in the eyes of the forces of evil
brilliant stars you are
in our rebellious mind
blazing fire you are
lighting our chosen path
for us to violently unshackle
the manacles of oppression and servitude!