Pluma at Papel

Di Na Kita Dadalawing Muli


Hindi namin naging ugali, at sinisikap naming iwasan, noon at hanggang ngayon, na dalawin ang sinumang may sakit na malapit na kasama’t kaibigan lalo na’t nakaratay sa ospital. Ayaw naming makita silang labis na pinahihirapan ng karamdaman. Nais naming manatili sa aming alaala ang dati nilang malusog na kabuuan, masiglang nakikipag-usap, bigay-todong humahalakhak, at walang […]

Hindi namin naging ugali, at sinisikap naming iwasan, noon at hanggang ngayon, na dalawin ang sinumang may sakit na malapit na kasama’t kaibigan lalo na’t nakaratay sa ospital. Ayaw naming makita silang labis na pinahihirapan ng karamdaman. Nais naming manatili sa aming alaala ang dati nilang malusog na kabuuan, masiglang nakikipag-usap, bigay-todong humahalakhak, at walang patumanggang nagtutungayaw o nagmumura. Kung dalawin man namin sila, dahil hindi na maiwasan, iyon ay minsan na minsan lamang.

Kaugnay nito, muli naming ipinapaskel ang hamak naming piyesa bilang alay sa kanilang makukulay na mga alaala.

DI NA KITA DADALAWING MULI

di na kita dadalawing muli sa iyong huling mga sandali
ng magiting na paghihimagsik sa daigdig ng dalamhati
alam kong mamaya o bukas
o isang araw ngayong maulang buwan ng hunyo
bigla mong lilisanin niyakap na larangan
ng madugong pakikilaban sa uring naghahari-harian.
di na kita dadalawing muli
kahit nais ko pang masilayan
titig na inuusbungan ng sagradong mga lunggati
matang dalawang esmeraldang
nagniningning sa makabayang mithi
at kibot ng labing laging isinisigaw himagsik ng lahi.

di na kita dadalawing muli
ngayong hininga mo’y hinihigop ng humahalik na amihan
sa humpak na mukhang pinatigas ng di isinukong paninindigan
para sa laya’t ligaya ng bayan
at ng masang pinag-ukulan ng buhay
sa maraming gabi ng paglalamay.
alam kong di mo iluluha ang kamatayan
manapa’y labis mong ikararangal
na pawis at dugo ng iyong katawan
lubusang naidilig sa nanilaw na damuhan
ng lupaing binaog-tinigang
ng mga kampon ng kadiliman
ng mga taliba ng kasakiman
ng mga sugapa sa kapangyarihan
ng uring diyus-diyosan sa lipunan.
aawitin pa ngang lagi ng habagat man o amihan
lirika’t melodiya ng magiting na buhay
upang la tierra pobreza’y ganap magbanyuhay.

di na kita muling dadalawin
ngayong alitaptap ni ayaw kumindat sa pananagimpan
ngayong balumbon ng ulap
yakap-yakap dibdib ng karimlan.
sapat nang makaniig kita
sa naglilingkisang mga alaala
sa pulang bulaklak ng mga gumamela
sa nagsalabat na mga cadena de amor
sa mga burol at dalisdis ng pag-asa
sa lumuluhang amarillo’t makahiya
sa masukal na kugon at damong ligaw
sa sabana ng pagsinta.
katawan mo ma’y ganap nang humimlay
sa naghihintay na ulilang hukay
kahit walang panandang krus
ni matingkad na pangalan
at mga titik ng kagitingan…
magtatagpo pa rin ang ating mga titig
magsasanib pa rin ang ating mga ugat
sa bawat puso ng mga sawimpalad
sa bawat luha’t hikbi ng mga alipin
sa bukid at lungsod ng pighati
at aawitin ng madagundong nating tinig
lirika ng mahalimuyak na paglaya
ng ibinartolinang la tierra pobreza
sa kuta ng mga panginoon ng dusa!


(My English version)

NO MORE WILL I PAY YOU A VISIT

no more will i pay you a visit
on your last moments of heroic struggle
against the world of grief.
i know now or tomorrow
or on a day in this rainy month of june
you’ll suddenly leave the defiant bloody struggle
you’ve embraced against the exploitative ruling class.
no more will i pay you a visit
though i still wish to see
your stares full of sacred aspirations
those two emerald eyes
glittering with flaming undying love of country
those lips always expressing
the rebellious sentiments of an oppressed race.

no more will i pay you a visit
now that your breath is being sucked up
by the tender wind kissing your haggard face
a face full of determination to carry-on the struggle
for the freedom and glory
of the masses and beloved land
which you so fervently desired
during so many nights of vigil.
for sure, i know, you’ll not shed a tear
on your impending death
but you’ll consider it your great honor
that you’ve poured your sweat and blood
on the yellowish grass
and the land made barren by the forces of darkness
of abusive power and injustices.
i know the tender or whirling wind
will always be humming
the lyrics and melodies of your legendary life
so gladly dedicated to your beloved land.

no more will i pay you a visit
now that the fireflies are gone
now that the rolling clouds
are embracing the breast of darkness.
enough for me to be with you
in our intertwining memories
enough for me to be with you
in crimson gumamela flowers
in crawling cadena de amor vines
on hills and mountain slopes of hope
and in crying amarillos
jumbled cogon and wild grass
along the savannah of love.
though your body will soon be buried
in a waiting lonely grave
unmarked even by a wooden cross
nameless and no epitaph on gravestone…
our eyes would still meet
our blood would still mix
our veins would still be conjoined
in every heart of the dispossessed
in every tear and sob of the enslaved
whether in fields or cities of grief.
our rumbling voices would still sing
the fragrant lyrics of freedom
for our incarcerated and suffering la tierra pobreza!