Migrante

DoLE, di pa rin kinakausap ang binastos na OFW sa HK


Hong Kong–Dalawang linggo matapos ang umano’y pambabastos ng Labor Attache na si Romulo Salud sa Overseas Filipino Worker na si Agnes Tenorio, nagsagawa ngayong araw ng malaking kilos-protesta ang mga Pilipino sa harap ng konsulado para igiit ang pagpapatalsik kay Salud. “Each day that Romulo Salud remains in his position is an insult to Agnes […]

Kilos-protesta ng mga OFW sa harap ng konsulado ng Pilipinas sa Hong Kong para igiit ang pagpapatalsik kay Labor Attache Romulo Salud (Contributed Photo)
Kilos-protesta ng mga OFW sa harap ng konsulado ng Pilipinas sa Hong Kong para igiit ang pagpapatalsik kay Labor Attache Romulo Salud (Contributed Photo)

Hong Kong–Dalawang linggo matapos ang umano’y pambabastos ng Labor Attache na si Romulo Salud sa Overseas Filipino Worker na si Agnes Tenorio, nagsagawa ngayong araw ng malaking kilos-protesta ang mga Pilipino sa harap ng konsulado para igiit ang pagpapatalsik kay Salud.

“Each day that Romulo Salud remains in his position is an insult to Agnes Tenorio and an injustice to all OFWs who have experienced rudeness from and neglect by Philippine officials abroad. No OFW should again be made victim of his arrogance and irresponsibility,” sabi ni Eman Villanueva, pangkalahatang kalihim ng United Filipinos in Hong Kong (Unifil-Migrante-HK).

Ibinulgar ng grupo na matapos mangako ng Department of Labor and Employment na iimbestigahan ang pambabastos ni Salud (pakinggan ang audio recording), hindi pa rin kinakausap ng ahensiya ang biktima na si Tenorio.

Agnes Tenorio, ang OFW na binastos ni Salud (Contributed Photo)
Agnes Tenorio, ang OFW na binastos ni Salud (Contributed Photo)

Kumalat sa internet ang nasabing recording at umani ng pagkondena ng libu-libong mga Pilipino.

“Thousands have signed for Salud’s recall and even more have expressed discontent on how officials abroad conduct themselves when they deal with OFWs. We call on the DoLE to not let us OFWs wait any longer,” dagdag ni Villanueva.

Nanawagan ang mga OFW kay Pangulong Aquino na manguna mismo sa pag-utos ng pagpapatalsik kay Salud. Nakapagsulat na rin sila ng liham sa mga senador at kay bise-presidente Jejomar Binay, na itinalagang presidential adviser para sa mga OFW.

Sumama sa nasabing kilos-protesta si Tenorio. Tinatagurian ng Unifil-HK ang laban ni Tenorio bilang “laban ng lahat ng OFWs para sa maayos na serbisyo at pagtrato.”