Pinoy Weekly
Posts tagged as: labor rights

Isang taon matapos ang trahedya: Hustisya, hangad ng kaanak ng mga biktima sa Eton

Nagtungo ang mga kaanak ng mga biktima ng trahedya isang taon matapos masawi ang 11 manggagawang nagtatrabaho sa konstruksiyon ng gusali ng Eton Properties. Hangad pa rin nila ang hustisya. (Kontribusyon)

Nagmartsa patungo sa lugar ng aksidente sa Makati City ang mga kaanak at tagasuporta ng mga biktima ng aksidente sa konstruksiyon ng Eton Residences noong Enero 27. Ginunita nila ang ang aksidente na ikinamatay ng 11 manggagawa matapos bumigay at bumulusok ang gondolang kanilang sinasakyan. Ipinanawagan nila ang hustisya at hiniling na managot ang manedsment [...]

‘Ulat ng ILO, patunay sa abang lagay ng empleyo sa PH’

ILO logo

Patunay ang ulat ng International Labor Organization (ILO) na “napakasama” ang kalagayan ng empleyo sa bansa. Ito ang pahayag ng Kilusang Mayo Uno (KMU), sentro ng militanteng unyonismo sa Pilipinas, matapos maglabas ang ILO ng ulat na “Global Employment Trends 2012: Preventing a deeper jobs crisis.” Sa ulat na ito, sinabi ng ILO na nahaharap ang buong mundo sa hamon na makalikha ng 600 milyong empleyo sa susunod na dekada.

Laban ni Bonifacio para sa ‘tunay na pagbabago,’ ipinagpapatuloy ng mga obrero

PW-new-featured-bonifacio-day

Kabayanihan ni Andres Bonifacio ang hangad ng militanteng mga manggagawa na tularan nila at ng sambayanang Pilipino, sa ika-148 kaarawan ng dakilang rebolusyonaryong lider ng rebolusyong 1896. Pinangunahan ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at Anakpawis Party-list ang martsa-protesta sa Mendiola, Manila ng aabot sa 3,000 na mga manggagawa at iba pang sektor para gunitain ang [...]

Banat na buto, kapos na sahod

DSC_8486 (2)

Sumasahod ng minimum wage sina Alfonso at Jason, at iba pang manggagawa ng isang pagawaan ng bakal. Pero malayung malayo ito sa pangangailangan ng kanilang pamilya.

Obrero, negosyante vs mataas na singil sa kuryente

Nagsama ang mga lider-obrero at ilang negosyante sa pagtutol sa mataas na singil sa kuryente. (Macky Macaspac)

Manggagawa man o maliit na negosyante, labis na naaapektuhan sila ng mga pagtaas sa singil ng kuryente. Kung kaya nanawagan ang mga lider-obrero at lider-negosyante sa administrasyong Aquino na gumawa ng mga hakbang upang mapababa ang singil dito.

Panukalang batas vs kontraktuwalisasyon isinusulong sa Kamara

PW-new-featured-regular-employment-bill

Bunsod ng pagpapatupad ng neoliberal na globalisasyon, iwinasiwas ng mga kapitalista ang iba-ibang iskema ng pleksibleng paggawa. Ang resulta: pagkawala ng karapatan sa kaseguruhan sa trabaho ng libu-libong manggagawa.

Patakarang kontraktuwalisasyon ni PNoy kinondena

Nagmartsa patungong Mendiola ang iba’t ibang unyon sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU) bilang pakikiisa sa mga manggagawa ng Philippine Airlines (PAL) na nagpapatupad ng kontraktuwalisasyon.

Anti-planking na kongresista sumuporta sa P125 dagdag-sahod

Pinuri ng Kilusang Mayo Uno (KMU) si Rep. Carlos Padilla ng Nueva Viscaya at Quezon City Rep. Winston “Winne” Castelo sa pagbibigay suporta sa House Bill 375, na mas kilala bilang panukalang batas na P125 across-the-board wage hike.

Protesta ng mga manggagawa ng PAL, sinuportahan ng KMU

Naghayag ng suporta ang militanteng sentro ng unyonismo na Kilusang Mayo Uno (KMU) sa protestang work stoppage na isinagawa ng mga manggagawa ng Philippine Airlines para iprotesta ang malawakang kontkraktuwalisasyon sa kanilang hanay.

Tanggalan sa PAL na may basbas ng Palasyo, sumpa sa manggagawa

Tutol sa pagpabor ng Malakanyang sa malawakang tanggalan sa Philippine Airlines (PAL), na pag-aari ni Lucio Tan ang isang bagong network ng mga taong simbahan, obrero at labor advocates.

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes