Espesyal na Ulat

Pandaigdigang Krisis Pampinansiya: Mga Susing Sulatin


SA KABILA ng pagmamayabang ng gobyernong Arroyo na estable ang ekonomiya ng Pilipinas at hindi gaanong maaapektuhan ng pandaigdigang krisis pampinansiya, lalong lumala lamang ang dati nang kritikal na kondisyon ng mga manggagawa at mamamayang Pilipino. Tumindi ang tanggalan sa hanay ng mga manggagawa, kasama na ang sa hanay ng mga nangingibang-bansa na siyang isa […]

krisis-iconSA KABILA ng pagmamayabang ng gobyernong Arroyo na estable ang ekonomiya ng Pilipinas at hindi gaanong maaapektuhan ng pandaigdigang krisis pampinansiya, lalong lumala lamang ang dati nang kritikal na kondisyon ng mga manggagawa at mamamayang Pilipino.

Tumindi ang tanggalan sa hanay ng mga manggagawa, kasama na ang sa hanay ng mga nangingibang-bansa na siyang isa sa susing sumasalba ngayon sa ekonomiya. Samantala, lalong sumasadsad ang kalagayan ng maralitang Pilipino. Tumitindi ang gutom at ligalig. Sa pagnanais ng mga marangya na mapanatili ang katayuan at yaman, pinatitindi nila ang pagsasamantala sa dati nang hikahos na mga Pilipino. Naghahanap ang mga mamamayan ng bansa at ng mundo ng alternatibo sa kasalukuyang kaayusan ng nagdulot sa mayorya ng labis na paghihirap.

Sa pagnanais na ito na maghanap ng alternatibo, inilalathala ng PINOY WEEKLY ang tatlong sanaysay na nagpapaliwanag sa saklaw at tindi ng kasalukuyang krisis. Pero higit pa rito, naghahain sila ng alternatibo sa kasalukuyang kaayusan, at nagmumungkahi ng pamamaraan para makamit ang alternatibong ito. Inakda ito ng tatlong bantog na progresibong mga ekonomista at tagasuri sa bansa ngayon: Paul Quintos ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research (Eiler); Prop. Edberto Villegas ng Unibersidad ng Pilipinas-Manila; at Prop. Jose Maria Sison ng International League of Peoples’ Struggle.

Nawa’y maging bahagi ang mga sanaysay na ito ng edukasyon ng taumbayan sa ugat at posibleng kahihinatnan ng krisis at sa pag-aabante ng mga solusyon sa kinalulugmukang suliranin ngayon ng mga anakpawis ng mundo.

Paul QuintosEdberto Villegasjosemariasison

I-klik ang larawan para mabasa ang sanaysay ng bawat manunulat.