Nagpiket ang mga miyembro ng Pagkakaisa ng mga Tsuper at Operator Nationwide o Piston sa Aurora Boulevard sa Cubao, Quezon City para iprotesta ang Memo 38 at 39 ng Department of Transportation and Communication na anila'y nagpapataw ng kung anu-anong rekisito sa tsuper at matataas na mga multa sa hindi susunod. Duda rin umano nila na napupunta lamang sa korupsiyon ang mga binabayad nila. (KR Guda)
Nakakuha ng pagkakataon ang rehimeng Duterte sa pandemyang Covid-19 para ilusot ang pagpapalayas ng pampublikong mga jeepney sa mga kalsada. Pero marami ang nakikiisa sa at nakikipaglaban para sa mga tsuper at operator.