Isang taon matapos isabatas ang Cheaper Medicines Act, hindi pa rin abot-kaya ng ordinaryong Pilipino ang esensyal na mga gamot, ayon sa mga grupong pangkalusugan na nagprotesta sa Mendiola noong Hunyo 5. Ayon sa Health Alliance for Democracy, bigo ang gobyernong Arroyo na biyakin ang monopolyo sa pagpepresyo ng gamot ng mga transnayunal na korporasyon. (Philip Paraan)
Tatlong taon nang ipinapatupad ng Cheaper Medicines Act. Pero patuloy pa ring hirap ang mga mamamayan na makaakses sa mura at esensiyal na mga gamot. Para sa mga kritiko ng batas, lalong pinalala lamang nito ang masama nang kalusugan ng mga mamamayan.
Hindi maisisisi ng mga pribadong ospital sa Cheaper Medicines Act ang pagtaas sa singil sa serbisyo, ayon sa Health Alliance for Democracy (Head), organisasyon ng mga propesyunal pangkalusugan. Pinabulaanan ng Head ang deklarasyon ng Private Hospital Association of the Philippines na “kailangang magtaas ng singil” dahil nalulugi ang mga pribadong ospital sa bagong imposisyon ng mga […]