Mga Ampatuan: Mabangis na alyado ng Malakanyang sa Maguindanao
Kilalang malapit na alyado ng Malakanyang ang mga Ampatuan. Katunayan, noong 2004, dineklara ni Ampatuan Sr. ang Maguindanao bilang “Arroyo country”, na siyang nagdeliber ng pinakamalaking boto para kay Arroyo. Noong 2007, naulat ng Pinoy Weekly ang balita ng matinding pandaraya diumano sa naturang probinsiya na sinasabing pinangunahan ng mga Ampatuan.

Itinuturo ng militar na malamang na salarin sa karumaldumal na masaker sa Maguindanao noong Nobyembre 23 ang mga tagasuporta ni Gob. Andal Ampatuan Sr.
Kakalabanin kasi ni Buluan Mayor Ebrahim Mangudadatu sa pagkagobernador sa halalang 2010 ang anak ni Ampatuan Sr. na si Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. Mga tagasuporta ni Mangudadatu ang marami sa aabot sa 44 na napaslang, kabilang ang asawa ni Mangudadatu na si Genalyn at kapatid na si Mayor Eden Mangudadatu ng bayan ng Mangudadatu. Kasama rin sa mga napaslang ang di-bababa sa 12 mamamahayag (37 ang naiulat na sumama sa konboy nina Genalyn) at dalawang abogado.
Kilalang malapit na alyado ng Malakanyang ang mga Ampatuan. Katunayan, noong 2004, dineklara ni Ampatuan Sr. ang Maguindanao bilang “Arroyo country”, na siyang nagdeliber ng pinakamalaking boto para kay Arroyo. Noong 2007, naulat ng Pinoy Weekly ang balita ng matinding pandaraya diumano sa naturang probinsiya na sinasabing pinangunahan ng mga Ampatuan.
Narito ang ulat ng Pinoy Weekly na maaaring makatulong sa mga mambabasa na makilala ang katangian ng halalan sa Maguindanao at sa political clan na mga Ampatuan.
‘