Kabilang ang Lumad na ito sa mga magsasaka na tumawid mula Mindanao patungong Visayas noong Enero 14, ikatlong araw ng Pambansang Lakbayan para sa Lupa at Katarungan. (King Catoy/May Day Productions)May 44 magsasaka ang sumakay sa isang ferry mula sa Lipata Port, Surigao City. Maalon ang dagat dahil sa masamang lagay ng panahon. Nakarating sila sa Liloan, Southern Leyte bandang alas-11 ng umaga. (King Catoy/May Day Productions)Panawagan ng mga magsasaka ang tunay na reporma sa lupa. Target nilang makarating sa Mendiola Bridge sa Maynila sa Enero 22, ika-23 na anibersaryo ng Mendiola Massacre. (King Catoy/May Day Productions)Binisita ng mga lider-magsasaka sa Ormoc City Jail ang detenidong pultikal na si Vincent "Bebot" Borja (pinaka-kanan), coordinator ng Anakpawis-Eastern Visayas. Inaresto si Borja noong 2007 at sinampahan ng murder, na umano'y kasong gawa-gawa lamang ng gobyerno. (King Catoy/May Day Productions) Nagpiket ang mga Lakbayani sa harap ng opisina ng Department of Agrarian Reform sa Tacloban City, kung saan sinalubong sila ng 100 magsasaka mula sa iba't ibang probinsya sa Visayas. (King Catoy/May Day Productions)Nagsalita sa harap ng DAR si Danilo Ramos, pangkalahatang kalihim ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas. (King Catoy/May Day Productions)Bago makarating sa Calbayog, hinarang ang karaban ng tsekpoint ng pulisya. Umakyat sa bus ang ilang mga pulis na may mahahabang armas, na kinondena naman ng mga mga magsasaka. Pinayagan din silang makalampas. Pagdating sa Calbayog, Samar, sinalubong sila ng 150 pang magsasaka mula sa Eastern Visayas. (King Catoy/May Day Productions)Sa Calbayog nagpahinga ang mga magsasaka. Nagkaroon ng mga pangkulturang pagtatanghal hinggil sa sitwasyon ng mga magsasaka. Pinangunahan ito ng Teatro Obrero, isang grupo mula sa Negros City. (King Catoy/May Day Productions)Militante ang diwa ng mga magsasaka sa pagtatapos ng gabi. (King Catoy/May Day Productions)
Noon at ngayon, nakikibaka para sa lupaing ninuno ang mga Aeta ng Gitnang Luzon. Bahagi ng serye ng mga istorya ng PW kaalinsabay ng Lakbayan ng Pambansang Minorya.
Nagtagpo sa Kamaynilaan ang mahigit 3,000 magsasaka na naglakbay mula sa iba't ibang rehiyon para muling hilingin sa bagong rehimen ang luma nang hiling: Tunay na reporma sa lupa, hindi mapanlinlang na ekstensiyon ng CARP. Hustisya sa mga inapi't inabuso, hindi pagpapanggap at pagpapabango ng bangong pangulo.