Larawan: Estudyante ng PUP, nag-alab sa 2,000% pagtaas sa matrikula


caption
Nagwalk-out sa klase ngayong araw ang halos 1,000 estudyante ng Polytechnic University of the Philippines laban sa halos 2,000% pagtaas ng singil sa matrikula. Itinapon nila mula sa matataas na palapag ng gusali ng unibersidad ang mga silya, at saka sinilaban bilang protesta. Mula P12 kada yunit, gagawing P200 ang singil ng administrasyon sa 5,000 bagong estudyanteng papasok sa susunod na taon. "Papaano na ang mahihirap nating mga graduweyt ng hayskul? Wala na silang mapupuntahan," sabi ni Chaser Soriano, presidente ng PUP Central Student Council. (Kuha ng Kabataan Party-list)