Mga detinidong manggagawang pangkalusugan, sa pagdinig sa Morong Regional Trial Court, hinggil sa petisyong ilipat silang Morong 43 mula Kampo Capinpin, Tanay, Rizal tungong kustodiya ng Philippine National Police. Kuha ng National Union of Peoples' Lawyers.Tanging crackers, lugaw at tubig ang maaaring kainin at inumin ng mga kaanak at tagasuporta ng Morong 43 na nagsasagawa ng fasting para malipat na ang mga manggagawang pangkalusugan sa kustodiya ng pulisya. (KR Guda)Kinuhanan ng blood pressure ang isa sa mga tagasuporta ng Morong 43 na nagsasagawa ng fasting. (KR Guda)Isang programa ang isinagawa ng mga kaanak at tagasuporta ng Morong 43 bilang pagsisimula ng fasting sa Bantayog ng mga Bayani para mailipat ng kustodiya mula Philippine Army sa Kampo Capinpin tungong PNP. (Kontribusyon)
May bitbit na permit para magdaos ng pagtitipon para sa Morong 43 sa Camp Bagong Diwa, nagkaraban ang mahigit 200 tagasuporta at kaanak patungo sa kampo. Pero hinarang sila ng pulis at pinigilang makabisita sa mga detinidong manggagawang pangkalusugan -- pinakahuli lamang sa serye ng panunupil at paglabag sa matagal nang niyuyurakang karapatan ng Morong 43 at tagasuporta nila.
Pahayag na liham ng mga detinido sa Kampo Crame bilang suporta sa 43 manggagawang pangkalusugan na tinanggihan ng PNP na mailipat sa Kampo Crame noong Abril 9. Ilan sa mga lumagda ay mga ikinulong dahil sa pampulitikang paninindigan; ang ilan naman ay ordinaryong mga detinido sa PNP Custodial Center sa Crame.
Mahigit nang dalawang buwan mula nang dakpin at ipiit ang Morong 43 sa kampo ng militar. Nagpapatuloy ang harasment laban sa kanila, at maging ang kanilang mga kaanak ay damay sa pagmamalupit at pagkakait ng katarungan.
Nagpapatuloy ang kuwento ng tortyur sa Morong 43. Giit ng kanilang mga kaanak at tagasuporta, at ng Commission on Human Rights, kagyat na ilipat ng kustodiya ang mga doktor at health worker at isalba mula sa kamay ng mga nagpapahirap sa kanila.