2010 NBA Conference Finals: Kilalanin ang Final Four
Mainit man ang naging eleksiyon, manit pa rin ang kasalukuyang 2010 National Basketball Association Playoffs. Sa yugtong conference finals makikita ang apat na koponang maaaring makipagbuno sa Finals para sa Larry O’Brian trophy. Sa tindi ng kalibre at sa laki ng kasaysayan na nakapalibot sa apat, maraming tanong na puwedeng iahon. Magkakaroon kaya ng rematch […]
Mainit man ang naging eleksiyon, manit pa rin ang kasalukuyang 2010 National Basketball Association Playoffs.
Sa yugtong conference finals makikita ang apat na koponang maaaring makipagbuno sa Finals para sa Larry O’Brian trophy. Sa tindi ng kalibre at sa laki ng kasaysayan na nakapalibot sa apat, maraming tanong na puwedeng iahon. Magkakaroon kaya ng rematch sa Orlando Magic kontra sa Los Angeles Lakers? O sasabak ba ang Lakers sa dating tumalo sa kanila na Boston Celtics? At bago iyon, lulubog ba muna ang Phoenix Suns sa kamay ng kasalukuyang kampeon?
Sa Eastern Conference: Dating kampeon kontra sa dating-nakasampa sa Finals
Makulay ang naging karera ng Orlando Magic sa taong ito. Mariin nilang itinapak ang kanilang paa sa dalawang koponan at umabot sa Eastern Conference Finals na hndi nakatikim ng pagkatalo. Una nilang winalis ang at pinauwi ang tropa na pinamamahalaan ni Michael Jordan na Charlotte Bobcats. Sumunod naman nilang walisin ang Atlanta Hawks, na napagod sa isang pitong-larong serye kontra sa Milwaukee Bucks.
Nakaamba silang pumasok sa Finals. Naaabot na nila ang entabladong iyon noong isang taon. Sumuko nga lang sila sa Los Angeles Lakers. Ngunit sa taon na ito, bagaman nasa kanila ang homecourt advantage, isang dating kampeon ang kakaharapin nila.
Dahil ang Boston Celtics, naidispatsa na ang top-seed ng Eastern Conference na Cleveland Calvaliers (na gumapi sa Chicago Bulls sa unang round). Beterano na ani Kevin Garnett ang kanyang koponan upang isagawa ang pagpapauwi sa Cavs at kay LeBron James, at eksperyensiya aniya ang tumulong upang gawin ito. Matatandaan rin na ang karamihan sa line-up ng Celtics ang nandito pa upang sariwain ang kanilang pagpapatumba sa Los Angeles Lakers ilang taon na nag nakalilipas. Bago ito, nagpakita ng pangil ang Celtics nang lapain nila sina Dwyane Wade at ang kanyang Miami Heat, 4-1.
Sa Western Conference: kasalukuyang kampeon kontra sa umaasang mag-kampeon
Ilang taon nang palagiang pumapasok sa kampeonato ang Los Angeles Lakers – at ilang beses rin silang nakatikim ng pagkabigo. Ngunit buo pa rin ang Lakers sa pamumuno ni Kobe Bryant. Sa taon na ito, susubukan nilang itapak ang kanilang posisyon bilang league leader at muling makopo ang Larry O’Brien Trophy kontra sa Phoenix Suns. Ito, matapos nilang makatikim ng isang nakakatakot na serye nang makakuha pa ng dalawang panalo sa kanila ang eight-seed na koponang Oklahoma City Thunder, ngunit maidispatsa naman ang Utah Jazz, 4-0.
Tumumba ang Utah matapos nitong idispatsa ang top-seed na Denver Nuggets.
Ang Suns naman, ilang taon na rin sa Playoffs. Ngunit ilang beses rin silang pinatumba sa daan patungong Finals. Madalas pa, ito’y sa kamay ng San Antonio Spurs. Ngunit sa taon na ito, pinatumba nila ang karibal sa second round, matapos pa namang ma-upset ng Spurs ang ikatlong-puwestong Dallas Mavericks. Dinispatsa rin ng Suns ang tropa ni Brandon Roy na Portland Trailblazers sa unang round.
Titgnan ng tropa ni Amare Stoudamire at ni Steve Nash kung kakayanin ng run-and-gun nilang laro ang kapwa-magilas rin na paglalaro ng kasalukuyang kampeon.
