Sports

NBA Finals: Boston at Los Angeles, maghaharap muli


Kung drama ang hahanapin sa palakasan, wala nang mas aantig pa sa digmaan ng dalawang premyadong koponan sa National Basketball Association. At matapos ang dalawang taon, maghaharap muli ang Boston Celtics at Los Angeles Lakers sa 2010 NBA Finals. Para kay Celtics coach Doc Rivers, pinakamahalaga ang kalusugan ng kanyang koponan. Dahil ito ang kanyang […]

Kung drama ang hahanapin sa palakasan, wala nang mas aantig pa sa digmaan ng dalawang premyadong koponan sa National Basketball Association. At matapos ang dalawang taon, maghaharap muli ang Boston Celtics at Los Angeles Lakers sa 2010 NBA Finals.

Para kay Celtics coach Doc Rivers, pinakamahalaga ang kalusugan ng kanyang koponan. Dahil ito ang kanyang naging diskarte sa regular season: pagpahingahin ang kanyang mga pambato. Nagtapos sa 27-27 tala ang Boston sa paglilimita ni Rivers kina Paul Pierce, Ray Allen at Kevin Garnett kahit gustong-gusto nilang paramihin ang panalo ng Celtics tungo sa playoffs. Ngunit hindi iyon ang nasa isip ng coach. “Listen, we’re going to practice harder, you’re going to play less and there’s going to be a minute restriction,” ani Rivers sa tatlo. “And I know you’re not going to like this, but the only way you’re going to win is healthy.”

At ito na nga ang tinungo ng Celtics habang pinabagsak ang Cleveland Cavaliers at Orlando Magic, dalawang tigasing koponan sa Eastern Conference na kating-kati rin sa titulo: pinatumba ng Celtics ang ibinebentang LeBron-Kobe matchup noong 2008 at nagwagi ng kampeonato, ngunit natalo naman ng Orlando noong nakaraang taon sa Eastern semifinals. Ani Rivers, “I like this team guys.” At oo, totoo ang kanyang sinabing hindi pa natatalo ang kanyang starting five sa isang serye – natalo nga ang Boston sa Orlando noong nakaraang taon, ito’y dahil wala noon si Garnett.

Ang Lakers naman, hindi pa rin makalimutan ang kanilang biyahe pauwi nang matalo sila sa Boston Garden noong 2008. Natalo na sila sa Finals, pinagbabato pa ang kanilang sinasakyang bus ng mga fans ng Boston na noo’y nagsasaya sa pagwawagi ng kanilang koponan.

Noong isang taon, sana’y kaharap nila ang Boston ngunit hindi ito ang nangyari. Ang Cleveland at Orlando ang nagharap sa Eastern Conference Finals. Nagwagi ang Orlando, sa disgusto ng ilan na gustong makita ang paghaharap ni James at Bryant. Ngunit ito ang Orlando na tumalo sa Boston. “Puwede na siguro sila”, kaya nagapi ng LA. ang Magic.

Sa taong ito, hindi pa rin makakalimutan nina Pau Gasol at ng kanyang tropa ang 2008 bus ride na iyon. “It was painful,” aniya. “It is a feeling that I want to keep in my mind for every single minute that I’m out there playing them.”

Sa taon rin na ito, kumpleto ang kanilang frontline. Ginapi nila ang Phoenix Suns upang rumehistro ng tiket tungo sa paghaharap nila sa kanilang matagal nang karibal. Hindi nila naisabak noong 2008 si Andrew Bynum, nginit nagpakita ng gilas ang sentro sa kanilang pagkopo ng kampeonato noong nakaraang taon.

Gusto rin ito ni Kobe Bryant. “Obviously, this is a matchup that’s very easy to talk about. There are a lot of things that people can write about and talk about. It’s a sexy matchup.”

Ito ang ika-18 paghaharap ng dalawang koponan sa kasysayan ng liga, na tinagurian nang pinakamakulay na pagkakaribal. Mula pa ito noong nasa Minneapolis pa lamang ang Lakers, hanggang sa tila puti-kontra-itim nina Larry Bird at Kevin McHale laban kina Kareem Abdul Jabbar at Magic Johnson, hanggang sa kasalukuyang timpla ng bawat koponan. Sa kasaysayan, tila panig sa Boston ang kartada, 9-2 kontra sa Los Angeles at Minneapolis Lakers sa Finals.

 

 

readbud - get paid to read and rate articles