Sports

Pacquiao ayos na sa drug test, naghahanda na rin sa Konseho


Tila umaayon na ang kampo ni Manny Pacquiao sa pakikipag-areglo sa kampo ni Floyd Mayweather Jr. at maituloy na ang kanilang pinakahihintay na pagtutuos. Ito’y matapos pumayag ng congressman-elect ng Saranggani na magpakuha na ng kanyang dugo at nmagpasailalim sa random drug testing 14 araw bago ang kanilang nakatakdang laban. Ito ay isang bagay na […]

Tila umaayon na ang kampo ni Manny Pacquiao sa pakikipag-areglo sa kampo ni Floyd Mayweather Jr. at maituloy na ang kanilang pinakahihintay na pagtutuos.

Ito’y matapos pumayag ng congressman-elect ng Saranggani na magpakuha na ng kanyang dugo at nmagpasailalim sa random drug testing 14 araw bago ang kanilang nakatakdang laban. Ito ay isang bagay na hindi niya pinayagan sa unang pakikipagusap nila sa kampo ni Mayweather. Ngunit pinasisisguro ni Pacquiao na hindi ganoon karaming dugo ang papayagan niyang makuha sa kanya.

“As long as they ‘re not getting a large amount of blood, I am willing to give out blood as close to two weeks before the fight,” ang pahayag ni Pacquiao sa isasagawang olympic-style testing na kakailangan pang kuhanan siya ng sample ng kanyang ihi.

Ibinabalik niya ang karanasan ng kanyang unang sabak sa pagkuha ng dugo noong laban nila ni Erik Morales, kung saan natalo siya sa unanimous decision sa Mehikano. “I felt very weak after they got the blood.”

Nasa US na rin si Bob Arum upang katawanin ang kampo ni Manny Pacquiao at Top Rank Promotions. Nakapagusap na diumano si Arum kay Richard Schaefer ng Golden Boy Promotions na may haway kay Mayweather ilang araw na ang lumipas, at ayon sa ilang insiders ay maganda ang pag-uusap ng dalawang kampo.

Sakaling matuloy ang laban, ito’y nakatala sa ika-13 ng Nobyembre sa taong ito.

Ilang katanungan na lang ay kung ano ang magiging pag-kilos niya sa bagong larangan niya bilang kongresista. Nagpatala na si Pacquiao sa isang short course sa Unibersidad ng Pilipinas at kukuha ng public governance. Titignan pa ang ilang gusot kung sakaling piliin niyang maging boksingero kasabay ang pagiging mambabatas, tulad na lamang sa inihain na apela ni 2nd district, Maguindanao Rep. Simeon Datumanong na itigil niya ang pagboboksing dahil baka magkaroon ng problema ang boksingero sa batas.

Dagdag pa niya, “time management” ang susi sa paggampan niya ng kanyang gawain sa Konseho at sa pagsasanay. “I will attend sessions in the morning until afternoon then I go to the gym around 4 or 5 pm,” ang saad niya ukol sa magiging rutina niya.

 

 

readbud - get paid to read and rate articles