Pagkatapos ng Walkout
Pagpupugay sa lahat ng lumahok sa naganap na walkout nung nakaraang Biyernes. Mga estudyante sa parehong pribado at pampublikong paaralan, estudyante sa hayskul, mga OSY (out of school youth) at kahit mga ilang kabataan mula sa ibang bansa, ang lumahok sa walkout. Hindi lang sa Metro Manila, pero pati sa Baguio, Laguna, Cebu, Iloilo, Tacloban, at sa Gitnang Luzon.
Pagpupugay sa lahat ng lumahok sa naganap na walkout nung nakaraang Biyernes. Mga estudyante sa parehong pribado at pampublikong paaralan, estudyante sa hayskul, mga OSY (out of school youth) at kahit mga ilang kabataan mula sa ibang bansa, ang lumahok sa walkout. Hindi lang sa Metro Manila, pero pati sa Baguio, Laguna, Cebu, Iloilo, Tacloban, at sa Gitnang Luzon.
Sa ginawang aksiyon, malinaw na nilapag nating mga kabataan sa kamay ng bagong administrasyon ang responsabilidad sa pag-ayos sa education crisis. Salungat sa sinasabi ng dilaw na mga panatiko, binibigyan natin siya ng pagkakataong patunayan ang sarili niya. Kiya nga natin binigay sa kanya ang mga bagay na gusto nating baguhin niya sa sistema ng edukasyon. At hindi lang yun, nagbigay tayo ng specific na mga hiling, ilan pa nga dito ay kayang-kaya niyang ipatupad sa loob ng 100 araw.
Ayon nga sa isang kasabihan, ang bola ay nasa kamay na ni Noynoy.
Kaya ang susunod na dapat gawin ng mga kabataan ngayon, lalo na yung mga nag-walkout, ay bantayan na ang administrasyon hinggil sa gagawin nito sa mga punto ng ating 5-Point Youth Agenda. Kung sinsero si Noynoy, magbibitaw siya agad ng kahit salita, pangako, o commitment lamang patungkol dito.
Labas pa nito, dapat rin na pinapaalam natin sa mas maraming kabataan hinggil sa ating Agenda, at hinggil sa ating hamon kay Noynoy. Mas malaki ang posibilidad na pakinggan tayo kung mapapakita natin na paparami ng paparami ang ating bilang. Hindi magagamit ng mga masasamang loob na nakapaligid at bumubulong kay Noynoy (Clue: Nagmamaganda siya ng laban) ang argument na minorya lang tayong mga kabataan para pigilan tayo.
Maka-Noynoy ka man o hindi, basta kabataan ka, nagkakaisa tayo sa hangaring ayusin ang sistema ng edukasyon sa bansa. Ang Agenda ay sumasagot sa mga pinaka-kagyat na mga problema (tulad ng mga nagmamahalang matrikula) at nagbibigay-daan sa mga iba pang pagbabago. Kailangang mag-kaisa tayo na isulong ito. Muli, maging mapagbantay.
*
Binoykot ng bagong Channel 4 at Manila Bulletin (Clue: Sa kanila nagmula ang dalawang miyembro ng communications team ni Noynoy) ang walkout. Hindi ito nakapagtataka. Ang naganap na protesta ay panira sa imahen na pinaghirapang likhain ng mga utak sa likod ni Noynoy: ang isang gobyernong walang kaaway at pinagkakaisa ang buong bayan.
Ang napaka di-kritikal na kaisipang gustong ipalaganap ng mga panatiko ni Noy ay huwag muna daw siyang kuwestiyunin o punahin sa unang mga araw, linggo, at buwan niya. Honeymoon, sa mas popular na salita. Pero iba ang pananaw ng mga iba grupo at sektor: malaking ekspektasyon ang nilikha ni Noynoy nung kampanya, kaya tama lang na ngayon pa lang ay hinihingi na sa kanya ang gusto nating pagbabago.
Ang mapait na sambit pa ng iba, wala na daw tayong nakitang tama. Noon kay Gloria, ngayon kay Noynoy. Pero hindi ba mas mature kung titignan nila na kaya patuloy na may discontent ngayon ay dahil hindi naman umaaksiyon si Aquino sa mga problema ng bansa? Kung magagalit sila sa mga pumupuna, hindi malayo ang lalakarin papunta sa bakod ng mga Marcos. Umaksiyon, imbes na mapikon.
*
Balik tayo sa usapin ng media boycott. Nakakapikon ito, oo. Pero hindi dapat magpatali ang mga aktibista dito. Kinakailangan na ang mga kabataang aktibista ay naghahanap ng paraan para bumawi sa mga disadvantages ng hindi pinapanasin ng media.
Isa na dito ang paggamit sa Internet. Siyempre, andiyan ang Facebook. Hindi lang dapat nagpapaskil ng kung ano-ano lang dun. Dapat ang epekto ng ating mga news feed ay may nababasang makabuluhan ang mga kaibigan natin tuwing gagamit sila ng FB. Maganda rin na matuto ang mga aktibista na mag-blog. Mahahasa ang kanilang kakayahang magpaliwanag kung parating nagsusulat. At dapat dumadami rin ang natututong gumagawa ng mga online na sentruhan ng mga aktibista at kabataan para mas madaling maabot ng dalawa ang isa’t isa.