Mahigit 240,000 na domestic helpers, karamiha'y mga migrante, ang hindi isinama sa ipinasang Statutory Minimum Wage ng gobyernong Hong Kong. Ipinrotesta ito ng mga Overseas Filipino Workers at iba pang migrante. Ayon sa Asian Migrants Coordinating Body, "Katumbas nito ang pagsasabatas ng pang-aalipin at diskriminasyon." Kumikita lamang ang karaniwang DH ng mas mababa sa US$3 kada oras; nais nila itong iakyat sa US$4. (Contributed Photo)