Davao City--Sa paggunita ng ika-8 na buwan ng masaker ng mga mamamahayag at iba pang sibilyan sa Ampatuan, Maguindanao, nagsagawa ng gabing pangkultura ang Alliance Against Impunity in Mindanao. Iginigiit nila kay Pangulong Benigno Aquino III na dapat maparusahan ang mga salarin, kabilang si dating pangulong Gloria Arroyo. (Karlos Manlupig)Bacolod City---Nagtali naman ang mga kabataang mamamahayag ng College Editors Guild of the Philippines ng itim na laso sa mga poste at nagpaskil ng mga poster na may panawagan para sa hustisya. Nagsagawa rin ang CEGP ng kasabay na kilos-protesta sa Mendiola Bridge, Maynila. (Biboy Pedrajas)