Video: GARB Kids sa Lakbayan


Sila ang mga anak ng mga magsasaka at manggagawang bukid mula sa Hacienda Luisita. Sa pamamagitan ng kanta, isinusulong nila ang tunay na reporma sa lupa.

Ikinatuwa ng mga magsasaka at militanteng dumalo sa pangwakas na programa ng Lakbayan noong Oktubre 21, 2010 sa Mendiola Bridge, Manila ang pagkanta ng mga batang tinaguriang “GARB Kids”. Sila ang mga anak ng mga magsasaka at manggagawang bukid mula sa Hacienda Luisita na nagsusulong ng tunay na reporma sa lupa at pagsasabatas ng Genuine Agrarian Reform Bill o GARB sa Kongreso.