Migrante ng iba’t ibang lahi pinigilang makalapit sa GFMD
Puerto Vallarta, Mexico–Sa halip na pakinggan ng Ikatlong Global Forum on Migration and Development (GFMD), pinigilang makalapit noong Nobyembre 10 ang mga migrante mula sa iba’t ibang lahi sa taunang pagpupulong ng mga gobyerno para pag-usapan ang migrasyon. May 500 demonstrador na delegado ng Ikatlong International Assembly of Migrants and Refugees (IAMR) ang hinarang ng […]

Puerto Vallarta, Mexico–Sa halip na pakinggan ng Ikatlong Global Forum on Migration and Development (GFMD), pinigilang makalapit noong Nobyembre 10 ang mga migrante mula sa iba’t ibang lahi sa taunang pagpupulong ng mga gobyerno para pag-usapan ang migrasyon.
May 500 demonstrador na delegado ng Ikatlong International Assembly of Migrants and Refugees (IAMR) ang hinarang ng pulisya. May dalawang araw nang naglalakbay ang mga delegado, mula Mexico City at Guadalajara, para ihayag ang kanilang mga hinaing at panawagan sa GFMD.
Ayon kay Eni Lestari, tagapangulo ng International Migrants Alliance (IMA), “Every year we protest the GFMD and ever year this is what the states do…While they discuss how to exploit us, they silence us and they shut us out.”
Ang GFM ay isang taunang porum na pinangungunahan ng United Nations para mapag-usapan ang mga isyung may kinalaman sa pandaigdigang penomenon ng migrasyon.

Pero ayon sa IMA, lalo lamang inilalako ng GFMD ang mga migrante para sa higit pang pagsasamantala. Umano’y sa halip na pagtuunan nito ng pansin ang pagprotekta sa karapatang pantao ng mga migrante at pagtulong sa paglikha ng disenteng trabaho sa mga host nation, “abala lamang ito sa pagtatayo ng mga istruktura para mapadulas ang pagpapadala ng mga remitans ng mga migrante.”
Inilunsad ng IMA ang Peoples’ Caravan Against the GFMD kasama ang iba’t ibang organisasyon sa Mexico, kabilang ang mga estudyante mula sa Tamaulipas kung saan minasaker ang 72 Mehikanong migrante noong Agosto ngayong taon.
Ayon kay Julia Camagong ng Philippine Forum na naka-base sa New York, USA, “The GFMD is illegitimate. It does not protect the rights and welfare of the migrants and refugees. It does not speak for migrants and only reflects the interests of the corporations and neoliberal policies that further exploit and oppress the migrants of the world.”