Liga ng Expat ikinasa ng mga Pinoys sa UAE
Labimpitong bansa ang magsasagupa sa palaruan ng basketball sa susunod na taon. Bubuuin nila at paglalabanan ang kauna-unahang Dubai Expat Basketball League (DEBL), isang liga na kinonsepto ng mga Pilipino at bubuuin ng mga expats na naninirahan at nagtatrabaho sa Dubai. “UAE is home to almost 100 nationalities; its population is 80% expats,” ang saad […]
Labimpitong bansa ang magsasagupa sa palaruan ng basketball sa susunod na taon. Bubuuin nila at paglalabanan ang kauna-unahang Dubai Expat Basketball League (DEBL), isang liga na kinonsepto ng mga Pilipino at bubuuin ng mga expats na naninirahan at nagtatrabaho sa Dubai.
“UAE is home to almost 100 nationalities; its population is 80% expats,” ang saad ni Abdulla Faisal Al Dossari, chairman ng New Generation Sports Events & Marketing, ang organizer ng DEBL. “We will give them quality basketball entertainment and at same time promote camaraderie and encourage healthy competition through sports.”

“In my whole stay here in Dubai, I have not seen any league organized like this one,” dugtong ng dating Serbian na manlalaro, at nanirahan sa Dubai ng sampung taon na .”It’s a good event and my countrymen will definitely support it.”..
Magsisimula ang liga, na papangasiwanan ng UAE Basketball Federation, sa Enero ng susunod na taon. 22 na Biyernes ang itatagal ng palaro na gaganapin sa Al Nasr Sport Club in Oud Metha, Dubai. Lima hanggang anim na laro ang gaganapin sa bawat Biyernes. Sasailalim sila sa mga alituntunin ng basketball ayon sa FIFA, at papangasiwanan ng FIFA-accredited na mga opisyal.
Kinumpirma na ng mga manlalaro ng Australia, Bahrain, Canada, Egypt, France, India, Iran, Italy, Kenya, Kuwait, Lebanon, New Zealand, Philippines, Romania, Serbia, Syria at USA.ang kanilang partisipasyon sa liga.
Nagsaad naman ng kumpiyansa si Jhun Paule, coach ng Philippine Team, sa kanyang koponan at naniniwalang aangat ang mga Pilipino sa liga.
“If we can recall Smart Gilas was greatly admired when they played against taller and bigger players at the Dubai International Basketball Championship early this year because of their heart and tenacity in the game,” ang alaala ni Paule sa natamong paghanga ng mga basketbolistang Pinoy sa bansa. “My players who previously played in professional teams and college varsities at home will carry our country’s flag and show to our competitors that basketball is in our blood.”
Malalaking papremyo ang ipinangako ng liga sa mga magwawagi. Isinaad ng Filipino organizer na si Edwin Deang na ang kampeon ayn mag-uuwi ng AED 25,000 (P300,000) at isang tropeo, habang ang first runner-up at second runner-up ay maguuwi ng AED 15,000 (P180,000) at AED 10,000 (P120,000), sa pagkakasunod-sunod.