Avatar

Angel L. Tesorero

Smart Gilas bigong magkampeon sa Dubai

Dubai, UAE – Bigo ang Smart Gilas-Pilipinas na masungkit ang kampeonato sa ika-22 Dubai International Basketball Championship na ginanap sa Al Ahli Club Sabado ng gabi. Ginamit ng Al Etihad Egypt ang kanilang taas at nagpaulan ng sunod-sunod na 3-points para masilat ang Smart Gilas sa iskor na, 84-75. Una na ring tinalo ng Al […]

Liga ng Expat ikinasa ng mga Pinoys sa UAE

Labimpitong bansa ang magsasagupa sa palaruan ng basketball sa susunod na taon. Bubuuin nila at paglalabanan ang kauna-unahang Dubai Expat Basketball League (DEBL), isang liga na kinonsepto ng mga Pilipino at bubuuin ng mga expats na naninirahan at nagtatrabaho sa Dubai. “UAE is home to almost 100 nationalities; its population is 80% expats,” ang saad […]

3 OFW, nasawi sa sunog sa Dubai

Dubai, UAE –  Tatlong overseas Filipino worker (OFW) ang nasawi habang isa ang nasa kritikal na kondisyon dahil sa sunog sa kuwartong kanilang tinutuluyan sa rooftop ng isang tatlong-palapag sa gusali sa Satwa, Dubai noong nakaraang Sabado ng umaga. Kinilala ang mga nasawi na sina Krisleen Francisco, 32, isang saleslady; Ariel Soberano, 30, isang waiter; […]

46 Pinay, ikinulong sa Dubai

Dubai, UAE – Apatnapu’t anim na kababaihang Overseas Filipino Worker (OFW) na iniwan ng kanilang employer ang ikinulong ng pulisya sa Immigration and Detention Cell sa Al Aweer, Dubai, matapos maaresto sa Ajman, 35 kilometro ang layo mula sa Dubai, noong Oktubre 7 ng umaga. Inilipat din sila sa kustodiya ng Philippine Overseas Labor Office-Overseas […]

Larawan: Migrante-UAE, umalma sa pagkaltas sa badyet ng OFWs

Habang kumakain ng hotdogs si Pang. Benigno Aquino III at mga kasamahan niya sa New York sa US, nagprotesta ang mga migranteng manggagawa sa ilalim ng Migrante-United Arab Emirates (UAE) laban sa pagkaltas ng badyet ng Overseas Filipino Workers (OFW) sa panukalang pambansang badyet ng administrasyong Aquino. Sinabi ng grupo na mukhang di prayoridad ni Aquino ang karapatan at kagalingan ng mga migranteng manggagawa. Isinagawa ang indoor protest ng Migrante-UAE sa Karama, Dubai noong Biyernes, Setyembre 24. (Angel Tesorero)

Halos 50% na pagkaltas sa badyet para sa OFW, binatikos

Kinastigo ng mga migranteng Pinoy ang gobyernong Aquino III at DFA (Department of Foreign Affairs) sa pagbawas nang halos kalahati sa pondong nakalaan para sa mga OFW (overseas Filipinos  workers) sa panukalang pambansang badyet para sa 2011. Sinabi ni Kalihim Alberto Romulo ng DFA sa pagdinig sa pambansang badyet sa Kamara kamakailan na P27-milyon lamang […]

Sa Ramadan, OFW sa UAE nagpapapirma laban sa e-passport

Dubai – Sa isang signature campaign na sinimulan ngayong Ramadan, target ng grupo ng mga migrante sa United Arab Emirates (UAE) na makakalap ng 100,000 lagda bilang pagtutol sa pagtaas sa bayarin sa e-passport at para paimbestigahan ang umano’y korupsiyon ni Sek. Alberto Romulo ng DFA (Department of Foreign Affairs). Nag-iikot ang mga kasapi ng […]

Pinoy napatay sa Iran

Dubai – Nanawagan ang Migrante-UAE sa Embahada ng Pilipinas sa UAE (United Arab Emirates) na tingnan ang kondisyon ng mga Pinoy sa Isla ng Kish sa Iran matapos mapatay ang isang OFW na nagtungo sa naturang isla galing Dubai para magpalit ng visa. Napatay noong Hulyo 1 si Mark Lloyd Carmen, 24, matapos saksakin ng […]

Araw ng migrante sa UAE, matagumpay na idinaos

Dubai, UAE –  Matagumpay na idinaos ng Migrante-UAE ang kauna-unahang Migrants’ Forum sa United Arab Emirates bilang pagdiriwang sa Araw ng mga Migranteng Pilipino kaalinsabay sa paggunita sa ika-112 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 18 sa Al Nasr Leisureland, Oud Metha, Dubai. Dumalo sa naturang talakayan ang halos 200 delegado mula sa iba’t […]

11 OFW inonse, nakauwi na

Dubai, UAE – Wala man nakuhang libreng tiket mula sa Konsulado ng Pilipinas at Philippine Overseas Labor Office-Overseas Workers Welfare Administration (POLO-OWWA), nakauwi na rin kamakailan ang 11 manggagawang inonse ng kanilang ahensiya at kumpanyang pinagtrabahuan. Nangutang na lang sa mga kaibigan at mga kamag-anak sa Pilipinas ang mga manggagawang nagsampa ng demanda sa Dubai […]