Balik-tanaw sa Mendiola massacre

January 23, 2011

Dalawampu’t apat na taon na ang nakararaan matapos ang masaker sa Mendiola Bridge sa Manila noong Enero 22, 1987, pero wala pa ring napaparusahan. Taun-taong ginugunita ang masaker, at tatlong presidente na ang nagdaan. Nitong Biyernes, Enero 21, 2011, muling nagmartsa ang mga magsasaka ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas o KMP. Sinagot ni Justice Sec. Leila de Lima ang panawagang imbestigahan ang masaker, sa pag-utos na muling buksan ang kaso. Patuloy na iginigiit ng mga magsasaka na nagpaputok ang mga sundalo at pulis noong araw na iyon nang walang probokasyon mula sa kanila.

Makikita ito sa bidyong ito ng masaker, mula sa KMP.


Mendiola Massacre January 22, 1987 – The Massacre
Uploaded by kmppio. – News videos from around the world.