Ilang Puntong Patunay Na Si Noynoy Ay Hindi Filipino


Ilang Puntong Patunay Na Si Noynoy Ay Hindi Filipino (Tula)

Nang ang SLEx, NLEx at SCTEx
Ay nagpasibad ng toll rates,
HIKE!
Ang mala-express na tugon ng
Ating presidente.

Nang ang MRT at LRT
Ay bumusina ng pagtaas sa pasahe,
HIKE!
Ang ‘di madiskaril na sagot ng
Ating presidente.

Nang mga kompanya ng langis
Ay nagpaskil ng Oil Price Increase,
HIKE!
Ang sumisirit na kumpas ng
Ating presidente.

HIKE! HIKE! HIKE!
Hambalusin, hambalusin ng
STRIKE! STRIKE! STRIKE! #

*ang may-akda ay kasapi ng ALPHA SIGMA FRATERNITY