Tula | Masahol pa sa Pacquiao
Jinab ng iyong mga salita At inaperkat ng iyong paghuhusga Plakda kami sa kalsada Lupasay sa opisina Duguan sa pabrika Swerte na nga lang at pambansang kamao Ang tumikey-o sa pagkatao. Para sa ‘yo ang tulang ito Para sa ‘yong kampanya ng pagkamuhi Sa ‘yong kampanya ng pandarahas Pati Diyos ginagamit Para sa […]

Jinab ng iyong mga salita
At inaperkat ng iyong paghuhusga
Plakda kami sa kalsada
Lupasay sa opisina
Duguan sa pabrika
Swerte na nga lang at pambansang kamao
Ang tumikey-o sa pagkatao.
Para sa ‘yo ang tulang ito
Para sa ‘yong kampanya ng pagkamuhi
Sa ‘yong kampanya ng pandarahas
Pati Diyos ginagamit
Para sa ‘yo ang tulang ito
Mula sa aming naghihintay
Ng kapatiran ng sangkatauhan
Putok ang nguso, nakatindig pa rin
Nangangako, sa araw ng pagtutuos,
Magsama pa kayo ng Book of Leviticus,
Nangangako, matututo ka ring magmahal.