Mensahe sa ika-83 na kaarawan ni Nanay Mameng


Magkasabay ng kaarawan sina Pangulong Aquino at Nanay Mameng. Pero ang huli, tunay na minamahal ng mahihirap.

Pagdiriwang ng ika-83 na kaarawan ni Nanay Mameng sa North Triangle, Quezon City. (King Catoy)

Noong Pebrero 8, ipinagdiwang ni Carmen “Nanay Mameng” Deunida ang kanyang ika-83 na kaarawan sa piling ng mga maralitang pamilya sa Sitio San Roque, North Triangle, Quezon City.

Kaarawan din noong araw na iyon ni Pang. Benigno Aquino III. Pero kaiba kay Aquino, simple at makabuluhan ang pagdiriwang ni Nanay Mameng. Inalayan siya ng mga tula, kanta, dula, at mga talumpati ng pasasalamat mula sa iba’t ibang pinagsilbihang maralita at lider ng batayang mga sektor.

Si Nanay Mameng ay chairman emeritus ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) at kilalang lider-maralita.

Sa tulong ng Kadamay, matagumpay na naitigil ng mga maralita sa North Triangle ang demolisyon Setyembre noong nakaraang taon. Panoorin ang pag-alay ng tula kay Nanay Mameng ng isang kabataan doon:

Panoorin ang mensahe ni Nanay Mameng, na nangakong “hindi titigil sa pakikibaka” para sa pambansang demokrasya, hanggang sa kanyang huling hininga: