Pambubugbog sa bilanggong OFW sa Saudi, pinaiimbestigahan
Hinikayat ng Migrante-Middle East ang mga opisyal ng embahada ng Pilipinas sa Saudi Arabia na imbestigahan ang mga ulat ng pambubugbog sa 48 Pilipinong nakapiit sa Malaz Central Jail. Sa isang pahayag, sinabi ni John Leonard Monterona, tagapagsalita ng Migrante-ME, na nakatanggap siya ng tawag at text messages mula sa ilang mga migranteng Pilipino na […]
Hinikayat ng Migrante-Middle East ang mga opisyal ng embahada ng Pilipinas sa Saudi Arabia na imbestigahan ang mga ulat ng pambubugbog sa 48 Pilipinong nakapiit sa Malaz Central Jail.
Sa isang pahayag, sinabi ni John Leonard Monterona, tagapagsalita ng Migrante-ME, na nakatanggap siya ng tawag at text messages mula sa ilang mga migranteng Pilipino na biktima umano ng “ilegal at di-makataong” pang-aabuso.
Ayon umano sa text message ng OFW na si Farouq Hadji Malik Bayabao kay Monterona: “Kasama po ako sa mga binugbug ng mga berdugong pulis d2 nuong July 13. Sinundan naman kahapon lahat kami dito unti-unti kaming pinalalabas ng mga pulis para bugbugin lang. Wala na kaming karapatan ipaglaban ang aming sarili, maliban lang sa tulong ninyo at ang embahada natin.”
“Our OFWs are humans, though some may have breached the local laws and prohibitions of the host government, nonetheless their rights as a person must be protected even if in jail,” sabi naman ni Monterona.
Sa isang liham ng grupo kay Roussel Reyes, tagapangulo ng Assistance to Nationals Section ng embahada ng Pilipinas sa Saudi Arabia, sinabi ni Monterona na nakatanggap siya ng mga tawag mula sa mga OFW na nagreklamo ng pambubugbog sa kanila noong Pebrero 3.
Inirekomenda nito sa embahada na magbuo ng isang team para kagyat na imbestigahan ang alegasyon.
Kinilala ang binugbog na mga OFW na sina Farouk Hadji Malik Bayabao, Glecerio Tolentino, Romeo Alit, Edgar Basalo, Julito Diaz, Albert Laqui, Edward Velardo, Emilio Marcos, Benjamin David, Jerome Linayao, Juanito Evina, Mohamad Hassan Donie, Lito Agena, Fernando Delfino, Ramil Cajandab, Eisa Villariza, Moises Villaraza, Roberto Basalote, Dante Reyes, Albert Avellana, Walter Gat-eb, Rodrigo Rodelas, Andres Vera Jr., Dean Paguirigan, Ariel Anano, Felix Atiz, Juneford Dagol, Dominador Margaza, Rolly Mazano, Jadey Rizarre, Randy Bautista, Rajec Amud, Abdula Castro, Orlando Reyes, Rolanda Saguiza, Emmanuel Mendoza, Cezar Ortega, Arnel Cantos, Renerio Harbonita, Henry Baliton, Ruffy Dela Cruz, Felipe Camija, Rodolfo Baltazar, Wilson Peralta, Wilfredo Magat, Ricardo Palumbarit, Edwin Tagari, at Jessie Jarantillas.
Tinatayang may mahigit 300 OFW ang nakapiit sa iba’t ibang kulungan sa Gitnang Silangan.