Blow by Blow: Protesta sa SONA


Blow by blow na ulat ng protesta ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) kontra sa State of the Nation Address ni Pangulong Benigno Aquino III.

Itlog na may mukha ni Pangulong Aquino ang effigy ng mga demonstrador na martsa nila sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) mula Tandang Sora sa Commonwealth Avenue kaalinsabay ng State of the Nation Address (SONA) ni Aquino sa nalalapit na Batasan Pambansa. (KR Guda)

Martsa tungong Batasan: Panawagang pagtaas ng sahod, hindi dininig ni Pnoy sa unang tao sa puwesto, ayon sa Koalisayon ng Progresibong Manggagawa at Mamamayan. (Ilang-Ilang Quijano)
Martsa tungong Batasan: Mga isyu ng bayan na naging "inutil" si Pnoy (Ilang-Ilang Quijano)
Martsa tungong Batasan: Pnoy, siningil sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis at oil overpricing (Ilang-Ilang Quijano)
Martsa tungong Batasan: Mga kaanak ng biktima ng karapatang pantao, hustisya at pagtigil sa ekstrahudisyal na pamamaslang ang hiling, gayundin ang pagpapalaya sa lahat ng mga bilanggong pulitikal. (Ilang-Ilang Quijano)
Martsa tungong Batasan: Bitbit ang mga likhang sining na nagsasalarawan ng panawagan ng mga magsasaka para sa tunay na reporma sa lupa. (Ilang-Ilang Quijano)
Lalong nag-alab ang galit ng mga demonstrador habang papalapit sa Batasan. (Ilang-Ilang Quijano)