Pinta sa katawan, para sa kalayaan


Artista ng henna tattoo (pansamantalang tattoo, gamit ang ink na henna), na gumuguhit sa braso ng isang tagasuporta ng mga bilanggong pulitikal.

Maging ang katawan ay maaaring maging espasyo ng protesta’t panawagan para sa kalayaan.

Ito ang ipinamalas ng mga kaanak at tagasuporta ng mga bilanggong pulitikal, nang isagawa nila ang “Pin(t)alaya,” o Pinta Para sa Paglaya ng mga Bilanggong Pulitikal. Inisponsor ito ng Samahan ng mga Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (Selda), Hustisya, at Karapatan at isinagawa ito sa Charito Planas Garden sa Quezon City Memorial Circle noong Setyembre 17.

Nilahukan ang aktibidad ng mga artistang biswal mula sa Ugatlahi at Insomnia. Ang kanilang kanbas: katawan ng mga kaanak at tagasuporta.

Gamit ang pintang henna at face paint, ipininta ng mga artista ang makukulay at malikhaing mga obra na naglalaman ng mga panawagan para sa paglaya ng mahigit 350 bilanggong pulitikal sa bansa. Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, umaasa silang lalong mapakikinggan ang panawagan para sa general, unconditional at omnibus na amnestiya sa kanilang wala namang sala kundi ang pagtaguyod ng karapatang pantao at interes ng mga mamamayang Pilipino.

Narito ang ilan sa mga larawan ng Pin(t)alaya.

Artista ng henna tattoo (pansamantalang tattoo, gamit ang ink na henna), na gumuguhit sa braso ng isang tagasuporta ng mga bilanggong pulitikal.
Artista ng henna tattoo (pansamantalang tattoo, gamit ang ink na henna), na gumuguhit sa braso ng isang tagasuporta ng mga bilanggong pulitikal.
Henna tattoo sa kamay ng isang tagasuporta.
Henna tattoo sa kamay ng isang tagasuporta.
"End impunity" at "Free All Political Prisoners."
"End impunity" at "Free All Political Prisoners."
Makabuluhang henna tattoo sa braso.
Makabuluhang henna tattoo sa braso.

Sundan ang iba pang larawan sa susunod na pahina (iklik ang Pahina 2).