Manggagawa

Larawan: Alaala ng dakilang lider-obrero na si Ka Bel, ginunita

inangunahan ni Manila Mayor Alfredo Lim ang paggunita sa ika-80 kaaarawan ng namayapang lider-obrero na si Crispin “Ka Bel” Beltran noong Enero 7, 2013 sa Plaza Miranda. Hinamon ng alkalde ng Maynila ang mga namumuno sa gobyerno maging ang mga nagnanais na kumandidato sa nalalapit na halalan sa Mayo. Pahayag ni Lim, “Hindi nagnakaw ng pera sa kaban ng bayan si Ka Bel. Dapat siyang tularan ng lahat ng naglilingkod sa gobyerno.”

Pinangunahan ni Manila Mayor Alfredo Lim ang paggunita sa ika-80 kaaarawan ng namayapang lider-obrero na si Crispin "Ka Bel" Beltran noong Enero 7, 2013 sa Plaza Miranda. Hinamon ng alkalde ng Maynila ang mga namumuno sa gobyerno maging ang mga nagnanais na kumandidato sa nalalapit na halalan sa Mayo. Pahayag ni Lim, "Hindi nagnakaw ng pera sa kaban ng bayan si Ka Bel. Dapat siyang tularan ng lahat ng naglilingkod sa gobyerno." Nasa larawan si Ka Osang, asawa ni Ka Bel at ang anak niyang si Ofelia Beltran-Balleta na executive director ng Crispin Beltran Resource Center (CBBRC). (Macky Macaspac)

Pinangunahan ni Manila Mayor Alfredo Lim ang paggunita sa ika-80 kaaarawan ng namayapang lider-obrero na si Crispin “Ka Bel” Beltran noong Enero 7, 2013 sa Plaza Miranda. Hinamon ng alkalde ng Maynila ang mga namumuno sa gobyerno maging ang mga nagnanais na kumandidato sa nalalapit na halalan sa Mayo. Pahayag ni Lim, “Hindi nagnakaw ng pera sa kaban ng bayan si Ka Bel. Dapat siyang tularan ng lahat ng naglilingkod sa gobyerno.” Nasa larawan si Ka Osang, asawa ni Ka Bel at ang anak niyang si Ofelia Beltran-Balleta na executive director ng Crispin Beltran Resource Center (CBBRC). (Macky Macaspac)
"Tatlong bagay ang dapat na tularan kay Ka Bel ng mga kumakandidatong (pulitiko). Una, ang pagiging mapagkumbaba. Pangalawa, ang pagiging tunay na makabayan. At pangatlo, ang pagkakaroon ng matatag na paninindigan," ani Rep. Teddy Casino ng Bayan Muna. Matagal niyang nakasama si Ka Bel mula sa opisina ng Kilusang Mayo Uno hanggang sa loob ng Kongreso.  Bilang pagkilala din sa lider-manggagawa, ang unang gagawin umano ni Casino ang pagsampa ng panukalang batas para sa dagdag-sahod ng mga manggagawa, kung siya ay palarin na makapasok sa Senado. (Macky Macaspac)
“Tatlong bagay ang dapat na tularan kay Ka Bel ng mga kumakandidatong (pulitiko). Una, ang pagiging mapagkumbaba. Pangalawa, ang pagiging tunay na makabayan. At pangatlo, ang pagkakaroon ng matatag na paninindigan,” ani Rep. Teddy Casino ng Bayan Muna. Matagal niyang nakasama si Ka Bel mula sa opisina ng Kilusang Mayo Uno hanggang sa loob ng Kongreso. Bilang pagkilala din sa lider-manggagawa, ang unang gagawin umano ni Casino ang pagsampa ng panukalang batas para sa dagdag-sahod ng mga manggagawa, kung siya ay palarin na makapasok sa Senado. (Macky Macaspac)
Nagpasalamat si Ka Osang sa mga dumalo at naghamon sa mga tagapakinig na ituloy ang mga adhikain ng namayapang si Ka Bel para sa kagalingan ng sambayanan. (Macky Macaspac)
Nagpasalamat si Ka Osang sa mga dumalo at naghamon sa mga tagapakinig na ituloy ang mga adhikain ng namayapang si Ka Bel para sa kagalingan ng sambayanan. (Macky Macaspac)
Tuloy ang laban ni Ka Bel. Taas-kamao ang mga manggagawa at iba't ibang sektor bilang pagpupugay sa namayapang lider-manggagawa. Nagbigay-pugay din ang mga kinatawan at nominado ng progresibong mga party-list tulad ng Bayan Muna, Anakpawis, Gabriela Women's Party-list, Piston Party-list at Kabataan Party-list.  (Macky Macaspac)
Tuloy ang laban ni Ka Bel. Taas-kamao ang mga manggagawa at iba’t ibang sektor bilang pagpupugay sa namayapang lider-manggagawa. Nagbigay-pugay din ang mga kinatawan at nominado ng progresibong mga party-list tulad ng Bayan Muna, Anakpawis, Gabriela Women’s Party-list, Piston Party-list at Kabataan Party-list. (Macky Macaspac)