Larawan: Noise Barrage, protesta isinagawa ng mga militante vs taas presyo, sigalot sa Sabah
Nag-ingay sa magkakaibang lugar ang mga militante sa Metro Manila bilang paghahanda sa isang “protestang bayan” kontra sa taas-presyo ng mga bilihin at serbisyo at pribatisasyon sa Marso 20. Ginanap ang noise barrage sa Batoda Commonwealth Avenue, Philcoa, Sta.Mesa, Edsa North Triangle at sa iba pang lugar. Kinondena rin ng mga militante ang administrasyong Aquino […]

Nag-ingay sa magkakaibang lugar ang mga militante sa Metro Manila bilang paghahanda sa isang “protestang bayan” kontra sa taas-presyo ng mga bilihin at serbisyo at pribatisasyon sa Marso 20.
Ginanap ang noise barrage sa Batoda Commonwealth Avenue, Philcoa, Sta.Mesa, Edsa North Triangle at sa iba pang lugar.
Kinondena rin ng mga militante ang administrasyong Aquino dahil sa halip umanong tugunan ang pangangailan ng mga mamamayan, inuuna pa raw ng pangulo ang kampanya ng mga kandidato nito para sa eleksiyon sa Mayo.
Partikular na pinaratangan ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang pangulo bilang “taksil sa bayan” dahil sa pagkanulo umano nito (Aquino) sa mga mamamayan ng Sulu at Tawi-Tawi na patuloy na naggigiit ng kanilang karapatan sa Sabah.

