Tula | Pulang Bulaklak Ng Mga Pangarap
pipitas lamang ako / ng ilang pulang bulaklak / sa ulilang hardin ng mga pangarap / buong ingat na sasamyuin / sa nakapapasong katanghalian / at paghimas ng dapithapon / at paghalik ng ulap
pipitas lamang ako
ng ilang pulang bulaklak
sa ulilang hardin ng mga pangarap
buong ingat na sasamyuin
sa nakapapasong katanghalian
at paghimas ng dapithapon
at paghalik ng ulap
sa mukha ng nakatulalang buwan
buong ingat kong isisingit
mga petalya ng pulang bulaklak
sa mga pahina ng lumuluhang aklat
supling ako ng aking kasaysayan.
ilang pulang bulaklak lamang
ilan lamang ang kailangan
upang lumangoy ang dugo sa mga ugat
ilang pulang bulaklak lamang
upang sumikdo ang puso
upang diwa’y maglagablab
at ilulan sa pakpak ng hangin
himagsik ng inaaliping lahi
habang mga punglo’y umaangil
sa sinapupunan ng dusa’t hilahil.
oo, ilang pulang bulaklak lamang
aking pipitasin at hahalikan
sa ulilang hardin ng mga pangarap
upang di ko makalimutang
supling ako ng aking kasaysayan!
Red Flowers Of My Dreams
i will pluck just a few red flowers
in the desolate garden of my dreams
tenderly, so tenderly,
i will kiss every flower
beneath the glaring high noon sun
and when the dusk caresses
and the cloud smacks
the aghast moon’s face
carefully, so carefully,
i will insert the petals of red flowers
between the pages of a sobbing book
i am the offspring of my history.
just a few red flowers
just a few i need
for my blood to swim in my veins
just a few red flowers
for my heart to beat incessantly
for my mind to be aflame
and let the wind’s wings
carry the rebellious sentiments
of a race being oppressed
while hissing are the bullets
in the bosom of tears and grief.
yes, just a few red flowers
i will pluck and kiss
in the desolate garden of my dreams
for me not to forget
am the offspring of my history!