Magsasaka Pambansang Isyu

KIDAPAWAN: Bigas, Hindi Bala!


Sila ang dumanas ng gutom, nasaktan, nabaril, namatayan, pero sila pa ngayon ang kinakasuhan. Hindi na ito bago sa mga magsasaka sa kasaysayan ng bansa ngunit mapait na naulit sa Kidapawan.

Kontribusyon/Kilab Multimedia

 

<strong>Kontribusyon/Kilab Multimedia </strong>
Kontribusyon/Kilab Multimedia

Sila ang dumanas ng gutom, nasaktan, nabaril, namatayan, pero sila pa ngayon ang kinakasuhan. Hindi na ito bago sa mga magsasaka sa kasaysayan ng bansa ngunit mapait na naulit sa Kidapawan.

Abril 1, 2016, bago mag-alas 11 ng umaga nang marahas na binuwag ng magkasanib na puwersa ng pulis ng North Cotabato at sundalo ng AFP (Armed Forces of the Philippines) ang barikada ng 6,000 magsasaka sa Cotabato-Davao highway. Humihiling lamang ang mga magsasaka ng 15,000 sako ng bigas bilang tulong sa mga magsasakang apektado ng El Nino.

Ngunit pinaulanan sila ng bala na nanggaling sa mga ripleng M-16.Tatlo ang kumpirmadong patay. Nasugatan ang 166 habang 88 ang nawawala na hinihinalang inaresto at dinala sa himpilan ng pulisya.

Ang order ng dispersal ay nagmula kay Mayor Joseph Evangelista. Kinatigan naman ito ni Gobernador Emmylou Talino-Mendoza, na ayaw mapahiya kay Mar Roxas na dadaan sa highway ng araw na iyon para magkampanya.

Magkahalong pananakot at panlilinlang ang ginawa ng lokal na gobyerno, pulisya at militar, para lamang isuko ng mga magsasaka ang kanilang barikada. Nariyang pagbantaan silang huhulihin, sasaktan, bobombahin ng tubig. Nariyan din ang kasinungalingang dinala na sa mga bayan nila ang hinihinging bigas.

Ngunit hindi sila natinag hanggang sa ginamitan na sila ng baril at dahas. Bato at sigaw ang naging sagot ng mga magsasaka habang hinahabol pa sila ng palo at bala.

Karamihan sa kanila ay humingi ng saklolo at sanctuary sa Spottswood Methodist Church. Ngunit doon aykinordon na sila ng pulis at militar parahuwag makalabas, at pati midya ay pinagbawalang pumasok. Pinasok din ng mga pulis ang Spottswood Methodist Church sa bisa ng search warrant subalit wala silang mahanap na armas.

Hindi nagsayang ng oras ang Philippine National Police at kaagad sinampahan ng kaso ang 50 naaresto sa salang pananakit diumano sa mga pulis sa panahon ng dispersal. Subalit sinumang nakapanood ng mga videotungkol sa Kidapawan ay mamamangha sa mistulang batas militar o war zone kung saan armado at kasado sa giyera ang mga pulis/militar.

Makatwiran ang Ipinaglalaban

Ang hinaing ng mga magsasaka para sa suportang bigas ay hindi mapapasubalian. Dumaraan ngayon ang bansa sa tagtuyot, at mga magsasaka ang unang naaapektuhan. Tuyo na ang kanilang mga bukid at biyak-biyak na ang mga lupa. Hindi na lamang pangitain ang taggutom. Reyalidad na ito sa milyong magsasaka sa kanayunan.

Nitong Marso pa lamang ay pinansin na ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang mabagal, makupad, at mahinang pagtugon ng rehimeng Awuino sa tagtuyot na umaabot na sa rurok. Hindi lamang mga magsasaka ang maaapektuhan nito kundi pati ang kasiguruhan sa pagkain ng bansa. Kaya kailangan ang agarang pagbibigay sa mga magsasaka ng suporta sa produksyon at pondo para sa kalamidad.

<strong>Kontribusyon/Kilab Multimedia </strong>
Kontribusyon/Kilab Multimedia

Sa katunayan, may P1-bilyon na Quick Response Fund (QRF) ang Department of Agriculture (DA) at National Irrigation Administration. Tinatayang pagdating ng Abril ay aabot na ang tagtuyot sa 85% ng bansa.

Ayon mismo sa DA, nitong mga nakaraang buwan, ang lugi sa pagsasaka ay lampas nang P5 milyon. Nasira na rin ang 27,000 ektarya ng pananim na katumbas ng 358,000 tonelada ng bigas, mais, iba pang pananim, at paghahayupan.

Noon pang Mayo 2014 nagbabala ang PAGASA sa El Nino, at sinabing lalala ito sa Abril 2016 at sa Mayo huhupa. (Matapos nito ay parating naman ang La Nina.) Tinukoy na rin ng DA ang mga probinsyang maaapektuhan ng El Nino.

Inaasahang pinakamatindi ang El Nino sa Apayao, Bataan, Benguet, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Zambales, Ilocos Norte, Rizal, La Union, Saranga,Sultan Kudarat at North Cotabato.

Maaga pa rito, idineklara nang nasa “state of calamity” ang Butuan, Zamboanga, General Santos, Bukidnon, North Cotabato, Davao del Sur, Davao Occidental, Maguindanao, at halos ang buong isla ng Mindanao.

Hindi lamang sa Kidapawan, punong lungsod ng North Cotabato, nagkaroon ng barikada. Sa pangunguna ng lokal na chapter ng KMP, naitirik din ang barikada sa Makilala at iba pa.

Mahigit P238 milyon na halaga ng bigas, mais, saging, goma, buko, palm oil, at mga gulay na tanim ng maliliit na magsasaka ang nasira sa syudad ng Kidapawan, gayundin sa mga bayan ng Arakan, Antipas, Pres. Roxas, Magpet, Makilala, Tulunan, M’lang, Matalam, at Kabakan. May iba pang tantya na umaabot na sa P1-bilyon ang lugi sa agrikultura ng North Cotabato.

Nasaan ang Gobyerno?

Malubha ang dinaraanan na ito ng bansa ngunit hindi maramdaman ang tugon ng rehimeng Aquino. Nagtayo ang rehimeng Aquino ng Task Force El Nino. Naglaan diumano ito ng badyet na P19.2 bilyon sa huling kwarto ng 2015 at unang hati ng 2016.

Ngunit patuloy na naghuhumiyaw ang mga magsasaka at hanggang ngayon ay walang tulong na dumarating sa kanila.

Ani ng mga magsasakang nagbarikada sa Kidapawan, ang ipinapangako sa kanila ng gobernador ay tatlong kilo ng bigas bawat kwatro (o isang kilo bawat buwan) kaya hindi sila umalis ng barikada. Ang hinihingi nila ay 15,000 sako ng bigas.

Abala naman sa pangangampanya ang mga kandidato at opisyal ng administrasyon sa halip na tugunan ang lumalalang suliranin sa El Nino. Ang kalihim ng DA na si Prospero Alcala ay papogi sa pamamahagi ng mga buto ng pananim kasama si Korina Sanchez, asawa ni Mar Roxas. Simpleng tinawag lamang ni Roxas na “gulo” o “sagupaan” ang masaker sa Kidapawan.

Muli namang lumitaw ang pagka-asendero ni Pangulong BS Aquino III. Wala man lang maringgang awa sa mga magsasakang pinatay. Pagkatapos manahimik saka sinabing mag-imbestiga bago maghusga.

Kasunod na isinisi at pinalabas ng mga tagapagsalita ng rehimeng sina Manuel Quezon III at Herminio Coloma Jr. ang mga makabayan at progresibong organisasyon na diumano’y nag-udyok o nagpasimuno ng karahasan sa hanay ng mga magsasakang nagbabarikada sa Kidapawan.

Sumaklolo ang Mamamayan

Kahindik-hindik ang pangyayari sa Kidapawan ngunit di man lang umaksyon ang gobyerno na lutasin ang gutom ng mga magsasaka.

Sa halip, mga mamamayan rin ang sumaklolo. Dumagsa ang donasyon na bigas para sa mga magsasaka mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Nauna na rito sina Robin Padilla at mga taga-Davao, at sumunod na rin ang iba pang artista tulad nina Angel Locsin, Anne at Jasmine Curtis, Daniel Padilla, atbp.

Robin Padilla kasama ang mga kaanak ng mga biktima ng pamamaril sa Kidapawana. <strong>Kontribusyon/Kilab Multimedia </strong>
Robin Padilla kasama ang mga kaanak ng mga biktima ng pamamaril sa Kidapawana. Kontribusyon/Kilab Multimedia

Bumaha ang mga suportang pakikiramay at pakikiisa, at pagkondena kay Aquino. Kaagad nagprotesta ang KMP sa Department of Agriculture, ang Kadamay sa Department of Interior and Local Government (DILG), at nag-candle lightingang ibang grupo sa mga simbahan. Iba’t ibang grupo din ang nagkasa ng solidaritygatherings sa pambansa at lokal na antas.

 

Umusok ang social media sa init ng batikos sa rehimen. Maraming video na lumitaw hinggil sa masaker. Nagrehistro ang Twitter ng 63.5 milyong impressions sa #BigasHindiBala sa loob lamang ng siyam na oras.

Umatake rin ang grupong Anonymous at pinabagsak (hacked) ang websites ng Kidapawan City at ng probinsya ng North Cotabato.

Itaga sa Bato

Isang malaking pagkakamali ang ginawang pandarahas sa barikada ng mga nagugutom na magsasaka. Lalo nitong pinatunayan na nakaukit sa dugo ng uring magsasaka ang pangalang Aquino-Cojuangco. Lantad na lantad ang tunggalian sa uri ng mga magsasaka at panginoong maylupa habang tumitindi ang krisis sa bansa, at malinaw kung sino ang kinakatawan ang estado.

Na naganap ang Kidapawan sa panahon ni Pangulong BS Aquino III ay nagpakita lalo sa katangian ng estado. Mula puno hanggang bunga, mula kay Cory Aquino hanggang sa anak niyang si Noynoy, hindi nagbago, at sa halip ay sumahol, ang estadong asendero-komprador sa pagyurak sa karapatan at kagalingan ng mga magsasaka.