Manggagawa

KMU tutol kay Marcos maging Labor Secretary


NO WAY! Ito ang mariing pagtutol ng Kilusang Mayo Uno (KMU) nang sabihin ni Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na gusto niyang maging Labor Secretary kapag nanalo siyang bise-presidente ng Pilipinas. Sinabi ito ni Bongbong sa debate ng mga bise-presidente noong Abril 10 sa University of Santo Tomas kung saan naging tampulan siya ng “boos” […]

Kontribusyon <strong>Kathy Yamzon</strong>
Kontribusyon Kathy Yamzon

NO WAY!

Ito ang mariing pagtutol ng Kilusang Mayo Uno (KMU) nang sabihin ni Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na gusto niyang maging Labor Secretary kapag nanalo siyang bise-presidente ng Pilipinas.

Sinabi ito ni Bongbong sa debate ng mga bise-presidente noong Abril 10 sa University of Santo Tomas kung saan naging tampulan siya ng “boos” ng mga nagpoprotestang kabataan sa loob at labas ng gymnasium.

Lalong umani ng pagtuligsa si Bongbong maging sa kaniyang mga karibal sa pulitika sa bawat pagdepensa at paghuhugas-kamay nito sa mga kasalanan ng mga Marcos sa bayan sa loob ng 21 taong paghahari ng ama nitong si Marcos, na kapangalan pa ni Bongbong.

Hindi pinalagpas ng KMU si Bongbong. Anila, gagawin lang ni Bongbong ang ginawa ng kaniyang ama, laluna ang pagpapababa sa sahod at panunupil sa kilusang manggagawa. Inihanay nila ang mga kasalanan ni Marcos sa mga manggagawa laluna sa ilalim ng batas militar.

1.  Pagpasa sa  anti-manggagawang Labor Code ng 1974.
2.  Pagtatayo ng special economic zones na nagbabawal ng welga at pag-uunyon.
3.  Ginawang malawakan at sistematiko ang pag-eksport ng lakas paggawa.
4.  Binuo ang dilawang Trade Union Congress of the Philippines, at ilang buwan lang makalipas ay tinangkang pabagsakin ang KMU para mapigil ang lumalakas na militansiya laban sa malawakang paglabag sa karapatang-pantao.

Isa ring malaking pagkukunwari ang pagtutol ni Bongbong sa kontraktuwalisasyon, anila.  Wala siyang ginawa laban dito habang siya ay nasa Senado.  Isa pa’y nasa Labor Code mismo, na likha ng kanyang ama, ang legal na batayan para dito.

Lalo lamang itutulak nito ang KMU na biguin ang ambisyon ni Bongbong na maging bise-presidente ng bansa.