Dekanong Makabayan

Sagot sa SONA ni Marcos: Umasa, lumaban, magpatuloy tayo


Sa kabila ng mga oportunidad na tinalakay natin sa kolum na ito noong nakaraan, nakalambitin pa rin ang tanong—ano ang plano ng bagong pangulo na si Marcos Jr. para sa mga Pilipino? Ayon sa Budget Secretary Amenah Pangandaman, ang mga sumusunod ang priority ng pangulo: agricultural at food security, climate change adaptation, economic recovery, improved health care at education, enhanced infrastructure projects, utilization of renewable energy sources, strengthened tourism at jobs creation, at sustainable development. Ngunit nananatili itong malabo. Ano ang mga tiyak na proyekto na ipapatupad upang makamit natin ang mga ito? Mas mahalaga pa, paano pinaplanong tugunan ni Marcos Jr. ang mga tao mismo, lalo na ang mga mahihirap at mardyinalisado?

Sa kabila ng mga oportunidad na tinalakay natin sa kolum na ito noong nakaraan, nakalambitin pa rin ang tanong—ano ang plano ng bagong pangulo na si Marcos Jr. para sa mga Pilipino? Ayon sa Budget Secretary Amenah Pangandaman, ang mga sumusunod ang priority ng pangulo: agricultural at food security, climate change adaptation, economic recovery, improved health care at education, enhanced infrastructure projects, utilization of renewable energy sources, strengthened tourism at jobs creation, at sustainable development. Ngunit nananatili itong malabo. Ano ang mga tiyak na proyekto na ipapatupad upang makamit natin ang mga ito? Mas mahalaga pa, paano pinaplanong tugunan ni Marcos Jr. ang mga tao mismo, lalo na ang mga mahihirap at mardyinalisado?

Halimbawa, bilang bagong Department of Agriculture Secretary, sinabi ng pangulo na dapat ay pagtuunan ng pansin ang produksyon ng bigas at mais upang matugunan ang food insecurity. Binanggit pa niya ang Masagana 150 at 200 na nagpapataas ng produksyon ng bigas bawat ektarya. Ngunit hindi nabanggit kung ano ang plano para sa ating mga magsasaka. Susustentuhan ba sila at babayaran nang tama sa anihan o mababaon uli sa utang? Paano naman ang mga magsasaka na hindi ang dalawang produkto ang inaani? Nasaan ang mga magsasaka sa gobyernong ito?

Isa pang sektor na talagang naaapektuhan ng polisiya ng gobyerno ang mga manggagawa. Matagal na nilang ipinaglalaban na itigil ang kontraktwalisasyon. Nangako pa nga si Duterte na titigilan na ang ‘endo’ ngunit patuloy pa rin ito. Patuloy ding mababa ang minimum wage. Nasaan sila sa mga plano ng pangulo? Dagdag pa rito, kung plano ng pangulo na lumikha ng mas maraming trabaho, magiging makatarungan at makatao ba ito para sa mga manggagawa?

Hindi pa rin nababanggit ang indigenous peoples (IPs) ng Pilipinas sa listahan ng mga priority ng gobyerno. Patuloy ang mga IP sa paglaban para sa kanilang lupang ninuno ngunit tinutugunan sila ng estado ng pagdahas at pagpapaalis sa kanila sa sariling mga komunidad. Sinabi ni Marcos Jr. noong kampanya na matagal na siyang tumutulong sa mga IP ngunit sumagot ang Aeta mula sa komunidad na binisita ng pangulo at sinabing hindi niya matandaan ang pagtulong ng mga Marcos sa kanila. Nasaan ang mga IP sa administrasyong Marcos?

Isa pang biktima ng demolisyon at displacement ang sektor ng urban poor. Madalas na pinapaalis sila sa mga komunidad nila kapalit ng ‘development’ ng malalaking negosyo at kompanya. Kung balak ni Marcos Jr. na pagtuunan ng pansin ang imprastruktura, kasama ba rito ang mga komunidad ng urban poor? Didinggin ba ang ‘development for all’ na hiling nila? Kasama ba sila sa plano o iiwan na naman sa laylayan?

Isa pang isyu na dapat matugunan ang climate emergency. Lahat tayo ay naaapektuhan nito. Ramdam naman natin sa lumalalang init at mga bagyo ang epekto. Dapat ay tulungan ng gobyerno na patatagin ang mga pinakaapektadong komunidad na laging tinatamaan ng mga epekto ng climate change. Kailangan na ring pagtuunan ng pansin ang pagbago ng ating energy sources. Patuloy na nagmamahal ang langis na inaasahan natin para sa enerhiya. Kung kasama ito sa priority ni Marcos, ano ang kongkretong plano?

Iba pang sektor na nakabitin ang sektor ng edukasyon at kalusugan. Habang itinutulak ng bise-presidente at DepEd Secretary na si Sara Duterte ang simula ng blended learning sa August, hinihiling ng mga mula sa sektor na bigyan sila ng mas mahabang oras upang maghanda at matugunan ang tumataas na mga kaso. Mahalaga ang face-to-face classes ngunit ano ang plano ng gobyernpo upang protektahan ang mga guro at mag-aaral? Dagdag pa rito, wala pa ring bagong Department of Health Secretary, bagay na nakakabahala dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Litaw na maraming dapat tugunang problema sa bansa. Ngunit sa likod ng mga problema na ito ay mga tunay na tao, mga ordinaryong Pilipino na umaasa at nagnanais ng mas mabuting buhay. Sana lang ay matugunan nga ang ating mga hinaing ng bagong presidente sa kanyang unang SONA.

Hindi lamang ito pakiusap ngunit isang hamon para sa bagong pangulo na tumugon nang naaayon sa tawag ng panahon. Sa administrasyon na itinatag ng kasinungalingan, may espasyo ba para sa pag-asa?

Hindi lamang tayo tinatawag ng kolumn na ito na umasa, tinatawag tayo na maging mapagmatyag at patuloy na itulak ang ating mga panawagan. Dapat nating tandaan na sa kabila ng pagkatalo, kailangan nating magpatuloy: lumaban tayo para sa nararapat sa ating mga ordinaryong Pilipino. Kung mangyari mang wala sa panig natin ang mga lider, nasa panig naman tayo ng isa’t isa.