Talasalitaan 0905 | Pagnanakaw o Nakaw, Ninakaw
Pagnanakaw o Nakaw, Ninakaw– iligal na pagkuha ng personal o pinansiya sa ibang tao o kaban ng bayan. Ang pagnanakaw isang krimen at labag sa batas.
Pagnanakaw o Nakaw, Ninakaw– iligal na pagkuha ng personal o pinansiya sa ibang tao o kaban ng bayan. Ang pagnanakaw isang krimen at labag sa batas.
Sa ilang hurisdiksyon, itinuturing na kasing-kahulugan ng pandarambong ang pagnanakaw. Sinuman ang nagnanakaw o gumagawa ng karera sa pagnanakaw ay tinatawag na magnanakaw.
Marami ang mga pagnanakaw na naganap sa kasaysayan ng Pilipinas. Kabilang sa mga ito ang itinuturing na pinakamalaking pagnanakaw sa kasaysayan, ang pagnanakaw ng diktadurang Ferdinand Marcos Sr.
Ayon kay dating Presidential Commission on Good Government (PCGG) Commissioner Ruben Carranza, simple ang paliwanag: ang mga gusaling nabili at makikita sa New York City ay ebidensiya ng engarandeng pagnanakaw ng mag-asawang Marcos sa pera ng mga Pilipino.
Habang ang mga Pilipino ay naghihirap sa ilalim nila, nagawa ng mag-asawang Ferdinand at Imelda Marcos na mamili ng mga gusali sa New York City.
Binili ni Marcos ang Ferdinand Marcos Sr. Building, ngayon ay The Trump Building na, noong 1982 sa halagang $71 milyon bilang regalo sa kaarawan ni Imelda Marcos, gamit ang nakaw na pera.
Gamit rin ang nakaw na pera, nakabili si Imelda ng 7-bed na mga kuwarto sa Olympic Tower sa 641/645 5th Avenue sa New York na nagkakahalaga ng $700,000. Nabili rin nila ang Crown building sa 730 5th Avenue Manhattan, kasama pa ang tatlong gusali noong 1981 na nagkakahalaga ng $51 milyon. Noong 1982 binili ng mga Marcos ang Herald Center sa 34th Street and Broadway sa halagang $25 milyon.
Noong July 1978, bumili si Imelda ng alahas na nagkakahalaga ng $1.4 milyon sa Bvlgari Jewelry Store. Sa harapan ng Crown Building, isang boutique shop rin ang binilhan ni Imelda ng $2 milyon halaga ng mga alahas.
Nabawi naman ng gobyerno ang isang building sa #200 Madison Avenue, na binili ni Imelda gamit ang pangalan ni Gliceria Tantoco sa halagang $50 milyon. Nabawi ito ng PCCG pero nang ibenta, nasa $800,000 na lang ang halaga nito dahil may utang pa si Imelda na di nababayaran.
Nagnakaw ang mga Marcos. Hindi lang mga kritiko ang nagsabi nito kundi ang Korte Suprema. Sabi ng Korte Suprema noong 2003, ang pamilya Marcos ay may nakaw na yaman na $658 milyon (P33 bilyon) na inilagay sa mga Swiss Foundation. Ipinasauli lang ng gobyerno noon ang mga nakaw nila.
Noong 2018, pina-aresto si Imelda ng Sandiganbayan dahil sa 7 kaso ng katiwalian. Kabilang dito ang pagtatayo ng mga iligal na organisasyon sa Switzerland na ginamit para makapagbukas ang mga Marcos ng bank accounts. Kumita sila sa pamamagitan ng interest at investment. Sa pamamagitan ng Swiss Foundation, kumita ang mga Marcos ng $200 milyon, ayon sa Sandiganbayan, na pinakinabangan nila Bongbong, Irene, at Imee Marcos.
Meron pa ring P126 bilyon na nakaw na yamang nililitis pa. Sa Amerika $353 milyon naman na multa na naghihintay sa pamilya Marcos.
Hindi matatakasan ng pamilya Marcos ang ginawa nilang pagnanakaw sa kaban ng bayan. Kahit na pangulo na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, uusigin pa rin sila ng mamamayang Pilipino. Hindi nila mababago ang kasaysayan, dahil naka-ukit na rin sa kasaysayan ng mga Pilipino at buong mundo na sila’y nandambong sa pera ng bayan.