Ressa, pinawalang sala sa tax evasion


Pinawalang-sala ng Court of Tax Appeals (CTA) si Nobel laureate at Rappler chief executive officer (CEO) Maria Ressa sa kasong tax evasion noong Enero 18.

Maria Ressa
Maria Ressa

Pinawalang-sala ng Court of Tax Appeals (CTA) si Nobel laureate at Rappler chief executive officer (CEO) Maria Ressa sa kasong tax evasion noong Enero 18.

Matatandaang inakusahan ni dating pangulong Rodrigo Duterte si Ressa at ang Rappler Holdings Corp. noong 2018 ng hindi pagbabayad ng tamang buwis sa pagbebenta ng Philippine Depository Receipts (PDRs) upang makakuha ng dagdag na kapital para sa subsidiary nitong Rappler Inc. noong 2015.

Ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR), sinadya ng Rappler na hindi magbayad ng buwis sa pamamagitan ng hindi pagdedeklara ng tamang income tax at value added tax returns. Hindi umano nagbayad ng kabuuang buwis na P133 milyon ang Rappler.

Ngunit bigong napatunayan ng prosekusiyon sa CTA ang paratang nina Duterte at BIR sa media outlet.

Politically motivated ang gawa-gawang kaso na isinampa sa Rappler ng administrasyong Duterte, ani Ressa.

Kilala ang Rappler na matapang na kritiko ni Duterte pagdating sa mga paglabag nito sa mga karapatang pantao sa pagsubaybay sa giyera kontra droga ng dating pangulo.

Dagdag pa ni Ressa, hindi lamang para sa kanila ang pagkakamit ng hustisya ng Rappler kung hindi para rin sa mga Pilipinong biktima ng mga maling paratang.