Ellala Love It!

Viral sa social media ngayong 2023


Sa dinamikong larangan ng social media sa Pilipinas, magbalik-tanaw tayo sa mga naging viral na content na hindi lang nagbigay sa atin ng aliw, kundi nagbibigay liwanag din ito sa mga mahahalagang isyu ng bansa.

Sa dinamikong larangan ng social media sa Pilipinas, magbalik-tanaw tayo sa mga naging viral na content na hindi lang nagbigay sa atin ng aliw, kundi nagbibigay liwanag din ito sa mga mahahalagang isyu ng bansa.

Tampok dito ang mga sumusunod:

Paggastos sa P125,000 confidential funds ng Office of the Vice President sa loob lamang ng 11 araw. Sa kabila nito, may lakas ng loob pa ang pangalawang pangulo na humiling ng dagdag na pondo sa Kongreso at ituring na kalaban ng kapayapaan ang kumukontra sa pondo na hindi alam ng mamamayan kung saan ba talaga gagamitin.

Sinong makakalimot sa tapang na ipinakita nina Jonila Castro at Jhed Tamano habang hawak ng mga dumukot sa kanila?  Sa mismong press conference ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict noong Setyembre, ibinunyag nila na dinukot sila at hindi kusang-loob na sumuko. Sa taon ding ito, viral din ang video ng pagdukot kina Dyan Gumanao at Armand Dahoya sa Port of Cebu noong Enero.

Matapos ang kontrobersiya sa mga overpriced laptop na umabot sa P979 milyon noong panahon ng pandemya, mga lockdown at online learning, nasangkot na naman ang ahensiya sa overpricing ng mga camera. Mula halagang P23,000, pinalobo nila ito sa P155,000.

Binatikos ng mga kabataang estudyante ang sapilitang military training sa mga paaralan. Ito ang inatupag ng gobyerno imbis na tugunan ang krisis sa edukasyon at mga pangunahing suliranin ng mga estudyante at guro tulad ng mababang kalidad ng edukasyon, bulok na mga pasilidad at mababang pasuweldo sa mga guro at non-teaching personnel. 

Tuloy ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa mga pagpaslang sa ilalim ng “drug war” ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kabila ng pagmamatigas ng gobyerno, tila hinahabol sila ng sariling multo dahil hindi matatahimik ang mga kaanak ng mga biktima hangga’t walang hustisya.


Naging isang satirikong paraan ng pagtuligsa sa katiwalian ang mga meme. Plataporma ito ng mga ordinaryong mamamayan para pataasin ang diskurso ukol sa mga sosyo-politikal na reyalidad sa bansa.